Muli na namang nadagdagan ang karangalan ng certified San Pedrense na si Chase Mapalo matapos manalo sa 2026 Pan Asian Jiu Jitsu Gi & No Gi International Open kamakailan.
Dalawang beses nanaig si Mapalo sa magkasunod niyang match na ginanap sa Ayala Circuit, Makati.
Sa kaniyang naging laban sa kinatawan ng Team Fabricio, madaling nangibabaw ang husay ng batang atleta dahilan upang manalo siya by submission sa score na 3–0.
Dahil dito tinanghal siyang kampeon para sa kategoryang Male Gi / Blue / Adult / -70kg (Feather).
Ngunit hindi pa dito nagtapos ang tagumpay para kay Mapalo.
Nauwi din kasi sa isang won by submission ang harapan niya sa koponan naman ng JaZen Jiu Jitsu.
Wagi sa puntos na 10–0 ang San Pedrense athlete sa kategoryang Male No-Gi / Blue / Adult / -67.5 kg (Feather).
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

