2 babae, patay sa hit-and-run
Death

2 babae, patay sa hit-and-run

Nov 18, 2025, 2:39 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Dead on arrival sa ospital ang dalawang babae matapos umanong masagasaan ng isang van sa bahagi ng Barangay Turbina, Calamba City, Laguna kamakailan.

Kinilala ng Calamba City police ang dalawang biktima na si alyas "Maria," 82 anyos at residente ng Tiaong, Quezon; at alyas "Nora," 55 anyos at residente ng Barangay Milagrosa, Calamba City, Laguna.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kabababa lamang umano mula sa isang jeepney ang dalawang biktima at patawid na sa National Road nang mahagip sila ng isang puting Toyota Hi-Ace van na hindi naplakahan.

Naisugod pa sa ospital ang dalawa ngunit hindi na rin sila umabot ng buhay.

Tinitingnan na ng mga awtoridad ang mga CCTV camera sa pinangyarihan ng insidente upang malaman ang plaka at pagkakakilanlan ng may-ari ng van na tumalilis sa lugar matapos ang aksidente.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.