2 aksidente sa daan, naitala sa Linggo ng Pagkabuhay
Accidents

2 aksidente sa daan, naitala sa Linggo ng Pagkabuhay

Apr 8, 2024, 2:53 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Dalawang magkahiwalay na aksidente ang naitala ng mga awtoridad sa lalawigan ng Laguna nitong Linggo ng Pagkabuhay, March 31.

Sa ulat ng Santa Rosa City Police Station, Linggo ng umaga nang magbanggaan ang dalawang sasakyan malapit sa isang mall sa Barangay Tagapo.


Batay sa salaysay ng mga biktima, papaliko na umano papunta sa mall ang isang itim na Nissan Navara na minamaneho ni P/Lt. Daryl Lim Mazo Manago nang bigla siyang salpukin ng isang itim na Honda Click na minamaneho ni Joan Formento Fuenzalida.



Sa bayan naman ng Alaminos, dalawang sasakyan din ang nagkabanggaan sa kahabaan ng Diversion Road sakop ng Barangay San Miguel bandang 12:15 ng hapon ng Linggo.


Ayon sa ulat ng Alaminos Municipal Police Station, binabagtas ng Nissan Urvan na minamaneho ni Mhorey Tesalona Malabanan ang Diversion Road papunta sa direksyon ng Calamba City nang mahagip siya ng isang Ford Ranger na minamaneho ni Roy Estrada Remolacio na kumaliwa umano mula sa kasalubong na linya.


Walang naiulat na nasugatan sa naturang mga insidente.

#WeTakeAStand #OpinYon #RoadAccident


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.