1K+ benepisyaryo ng free medical services sa STC
Social Service

1K+ benepisyaryo ng free medical services sa STC

Apr 2, 2024, 7:54 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

STO TOMAS City, Batangas -- Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng libreng medical services ng pamahalaang lungsod na ito kamakailan, umabot sa humigit-kumulang sa isang libong mga benepisyaryo ang nakinabang.

Kabilang sa free medical services na ito ay ang pedia at OB checkups, electrocardiogram (ECG), complete blood count (CBC), Chest X-ray, Blood Chem, Sugar test, Cholesterol, Triglyceride HDL, libreng gamot at dental checkup na kasama ang simpleng bunot ng ngipin.

“Mga kabarangay natin sa Barangay San Francisco ang huling nakinabang sa free medical assistance program na ito ng lungsod (Sto. Tomas),” wika ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan.
“Layunin ng programang ito ang mapangalagaaan ang kalusugan ang lahat ng Tomasino, hindi lamang sa Bgy. San Francisco kundi pati na rin sa iba,” aniya pa.

Katuwang sa proyektong ito sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, Sangguniang Panlungsod Members, Dr. Arnielyn A. Marasigan-Aguirre Head of Operations ng City Health Office at Sierra Diagnostic Centre, Sierra Eye at mga Barangay Health Workers.

“Ang serbisyong ito ay patuloy nating inilalapit sa mga mamamayan tuwing araw ng Martes at Huwebes.” wika ni Dr. Arnielyn Marasigan-Aguirre.
“Mungkahi natin sa ating mga kababayang Tomasino na manatiling naka-antabay sa mga anunsyo na manggagaling sa inyong barangay para sa araw na itinakda sa inyong lugar,” aniya pa.

#WeTakeAStand #OpinYon #FreeMedicalServices


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.