STO TOMAS City – Ang bansa ay mayroong 44 na mga pambato na premyadong swimmers sa 11th Asian Age Group Championships (AAGC) at isa rito ay tubong-Batangas City na si Rio Stephen Coliyat.
Si Coliyat ay 14 years old pa lamang.
Host ang bansa ngayong taon kaya gaganapin ang kompetisyon sa world-class New Clark City, Capas, Tarlac simula Pebrero 26, 2024 hanggang Marso 9,2024.
Bago ang kompetisyon, ay humakot ng medalya ang batang swimmer sa Asian Age Group Philippines na kinabibilangan ng gold medal sa 100M Breast Stroke, silver medal sa 200M Breast Stroke, silver medal sa 200M Freestyle at bronze medal sa Individual Medley.
Naiuwi rin nito ang silver medal sa 4x100 relay at bronze medal sa 200m breast stroke sa Batang Pinoy National Championships.
Si Coliyat ay miyembro ng Batangas Aqua Sonic Swimming Team.
#WeTakeAStand #OpinYon #BatangasAquaSonicSwimmingTeam #AsianAgeGroupChampionships #RioStephenColiyat