13 pamilya, nasunugan sa Rizal
Fire Incidents

13 pamilya, nasunugan sa Rizal

Apr 8, 2024, 6:17 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Aabot sa 13 na mga pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na sumiklab sa Barangay Talaga, Rizal, Laguna nitong Linggo, March 31.

Sa ulat ng pamahalaang barangay ng Talaga, siyam na bahay ang tuluyang natupok ng apoy habang dalawa namanv ang bahagyang nasira.


Pansamantalang nakituloy ang 55 na mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Rizal Elementary School kung saan sila binigyan ng food packs, hygiene kits at iba pang mga gamit ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ng Rizal at ng Philippine Red Cross - Laguna Chapter.


Patuloy pa ring inaalam ang halaga ng mga natupok na ari-arian at ang posibleng pinagmulan ng naturang sunog.

#WeTakeAStand #OpinYon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.