Umaasa ang pamahalaang nasyonal na mas mapapabilis pa ang pagpoproseso ng mga judicial cases, kasabay ng paglikha ng 13 bagong mga trial courts sa lalawigan ng Laguna.
Sa bisa ng Republic Act No. 12044 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong October 26 at isinapubliko noong Linggo, November 3, magkakaroon na ng 12 bagong regional trial courts (RTCs) at isang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa lalawigan ng Laguna.
Sa bilang na ito, tatlong RTC ang itatalaga sa bayan ng Los Baños, habang siyam na RTC at isang MTCC ang itatalaga sa Cabuyao City.
Inatasan na ang Korte Suprema at ang Department of Justice (DOJ) na magtalaga ng mga bagong hukom at staff, gayundin ang pagtatalaga ng mga branch number para sa nasabing mga bagong trial courts, sa lalong madaling panahon.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #RTC #MTCC