100 classrooms para sa Infanta
DepEd

100 classrooms para sa Infanta

Feb 12, 2026, 5:27 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

INFANTA, Quezon — Mahigit isang daang silid-aralan ang nakatakdang ipanukala sa Department of Education (DepEd) para sa bayan ng Infanta, Quezon bilang bahagi ng paghahanda sa School Year 2026.

Ito ay upang tugunan ang patuloy na kakulangan sa classrooms at mapabuti ang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa nasabing bayan.


Ayon sa Municipal Government of Infanta, sa pangunguna ni Mayor L.A. Ruanto, layon ng panukalang proyekto na maibsan ang classroom congestion sa mga pampublikong paaralan, lalo na sa mga lugar na mabilis ang pagdami ng populasyon ng mag-aaral.


Saklaw ng proposal ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan sa iba’t ibang paaralang elementarya at sekundarya sa bayan.


Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang maagang pagsusumite ng mga proposal sa DepEd ay mahalaga upang masiguro ang sapat na pondo at agarang implementasyon ng proyekto.


Dagdag pa rito, inaasahang magdudulot ang mga bagong classrooms ng mas maayos, ligtas, at episyenteng kapaligiran sa pagkatuto, hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro.


Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang pamahalaang bayan sa mga kinauukulang ahensya upang masiguro ang tuloy-tuloy na suporta sa sektor ng edukasyon, bilang bahagi ng pangmatagalang layunin na palakasin ang human capital at kaunlaran ng Infanta at ng buong lalawigan ng Quezon.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DepEd


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.