Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kasundaluhan katuwang ang Barangay Task Force (BTF)-ELCAC at MTF-ELCAC upang hikayatin ang mga ito na magbalik-loob at imulat ang mamamayan sa mga layunin ng legal na organisasyon na konektado sa armadong grupo.
MACALELON, Quezon-PORMAL na nanumpa at pumirma sa isinagawang withdrawal of support ang10personalidad na dating kasapi ng legal na prente ng teroristang grupo nitong Hunyo 14 sa Municipal Sports Complex sa bayang ito.
Ang mga sumukoay mga dating kasapi ng Karapatan-Quezon, Anak Pawis at Anak Bayan na aktibong sumasama sa mga rally, relief operation at iba pang gawain na may kinalaman sa paninira sa gobyerno at pagtulong sa armadong grupo.
Sila ay nagpahayag ng kanilang mga sentimyento hinggil sa ginawang panlilinlang at maling paniniwala na iminulat ng iba pang kasapi ng legal na prente ng teroristang grupo.
Bilang simbolo ng mariing pagkondena at hudyat ng kanilang pagtutol ng koneksyon sa grupo,sinunog sa aktibidad ang bandila ngCommunist Party of the Philippines( CPP)-New People's Army -National Democratic Front of the Philippines-(NPA-NDF).
Sinaksihanng mga mamamayan ng Macalelon sa pangunguna ng Municipal Task Force to End Local Communist Arm Conflict (MTF-ELCAC) bilang pakikiisa sa adhikain na wakasanang terorismo sa ating bansa.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kasundaluhankatuwang ang Barangay Task Force (BTF)-ELCAC at MTF-ELCAC upang hikayatin ang mga ito na magbalik-loob at imulat ang mamamayan sa mga layunin ng legal na organisasyon na konektado sa armadong grupo.
Patuloy ang pagtugis ng gobyerno sa mga natitira pang kasapi ng armado na kumikilos sa lalawigan.
Tags: #OpinYonQuezonin, #MacalelonQuezon, #CommunistPartyofthePhilippines, #NTFELCAC