Panelo Said
Panelo said

1-M health workers already vaccinated

Jul 2, 2021, 3:36 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on GCQ extended in Metro Manila until July 15, Gyms, indoor sports and museums under limited capacity, 1.5 million health workers have been vaccinated, Gov’t monitoring situation on Taal Volcano, Transition period for BARMM and on Digong apologizes to parents

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" June 30, 2021 episode)

GCQ extended in Metro Manila until July 15

"Pinalawig uli ni Pangulong Duterte ang general community quarantine classification under restrictions dito sa NCR, kasama po ang Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan hanggang sa Hulyo 15."

"Maliban po sa NCR, yun pong Ifugao Province, City of Santiago, Guimaras, Aklan, Bacolod City, Negros Occidental, Antique, Capiz pati na and Zamboanga Sibugay at ang siyudad ng Zamboanga, Agusan Del Norte, Surigao del Norte at Agusan del Sur ay ipapasailalim din sa GCQ sa susunod na labim-limang araw ."

"Ito naman pong GCQ ay ipapatupad din sa Baguio City Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Ilagan City, General Santos City, Kasama na yung Sultan Kudarat, Saranggani, Cotabato and South Cotabato and Cotabato City until July 31."

"Samantala, ito naman pong Cagayan, Apayao, Bataan, Lucena City, Puerto Princesa, Naga City, Iloilo, Negros Oriental, Zamboanga del sur, Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro, Davao City, Butuan City, Dumagat Island at Surigao del Sur ay sa ilalim naman ng mas mahigpit na MECQ mula July1-31."

"Ang Davao Oriental naman, Davao de Oro, Davao del Sur and Davao Del Norte ay nasa ilalim din ng MECQ pero hanggang July 15 lamang and the rest of the country ay nasa ilalim ng MGCQ."

Gyms, indoor sports and museums under limited capacity

"Iyong mga gym, fitness centers magagamit niyo ito pero 40% lang yung capacity kasama na yung mga indoor sports at 50 percent capacity sa Metro Manila, Rizal, Bulacan pero sa ibang areas ng NCR Plus, Laguna at Cavite hindi pupwede."

"Iyong mga historical sites naman at museum 40% lamang dito sa loob ng NCR maliban diyan sa Laguna at Cavite. Iyong non-contact sports eh pwede po yan sa GCQ at MGCQ while individual outdoor exercises are allowed within the general area of the residence and in MGCQ.”

1.5 million health workers have been vaccinated

"Meanwhile, ang magandang balita halos lahat na nang mga health workers natin eh nakatanggap na po ng first dose ng bakuna."

"Ayon kay Sec. Charlie Galvez ng ating National Task Force ay 1,667,015 doses na ang naibigay na sa mga health workers natin."

"Samantala, 1,135,074 nang mga medical frontliners eh fully protected na."

"Kumpiyansa na po tayo na makukumpleto na ang bakuna dito sa mga priority groups sa lalong madaling panahon."

Gov’t monitoring situation on Taal Volcano

"By the way, ito pong Philippine Institute of Volcanology and Seismology [Phivolcs] eh nagsabi na patuloy ang volcanic smog ang naoobserbahan dito sa Taal Volcano."

"Ito’y masama para mga residente lalong- lalo na doon sa surrounding area at pag ito po’y nagpatuloy ay kailangan talaga ng pansamantalang pag-evacuate iyong mga residente sa malapit na lugar."

"Iyon naman daw pong nakikitang haze eh hindi galing sa Taal, ito raw eh sanhi ito ng polusyon na galing sa mga sasakyan."

"Kaya daw yung mga nakikita natin eh hindi daw po galing sa Taal most likely daw ito’y dahil sa human activities ito’y mga usok galing sa sasakyan galing sa pabrika at kung ano-ano pa.”

Transition period for BARMM

"Sapagkat diyan po sa BARMM eh nagkakaroon sila ng debate kung ito bang Bangsamoro Government ay palalawigin, kasi iyong mga nakaupo gusto nilang i-postpone yung halalan na nakatakda na sa 2022."

"Humihingi pa sila ng tatlong taon na manatili sa kanilang mga posisyon upang ipagpatuloy daw nila yung kanilang transition period diyan sa Autonomous Region."

"Si Governor Sakur Tan eh ayaw niya po na palawigin pa, gusto niya makaroon na ng halalan mahirap daw kung wala kang mandato sa mga constituents."

"Si President naman, neutral siya diyan at hinahayaan ang Kongreso na mag-decide."

"Sa aking pananaw dapat siguro mag-plebesito kayo diyan sa lugar na iyan."

"Tanungin niyo ang mga tao, kung ano ba ang gusto niyo? Magkaroon ng continuity iyong transition government for 3 years at i-postpone muna ang inyong halalan o hindi?"

"Kailangan talaga kausapin ninyo ang taong bayan niyan."

Digong apologizes to parents

"Iyon pong usapin naman dito sa edukasyon, humihingi ho ng dispensa si Presidente Duterte sa mg magulang dahil siya po ay tumutol sa face-to-face classes."

"Sinabi niya na tinitiyak lamang niya ang kaligtasan ng mga bata kung kaya’t tutol siya sa face-to-face classes hanggat hindi pa natin naaabot ang herd immunity."


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.