Kapitan ng Barangay Nagkaisang Nayon,kakasuhan dahil sa super spreader pool party
Local Government

Kapitan ng Barangay Nagkaisang Nayon,kakasuhan dahil sa super spreader pool party

May 27, 2021, 7:56 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Maaaring humarap sa iba’t ibang kaso ang kapitan ng Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City dahil sa pagpapabaya sa tungkulin matapos ang nangyaring pool party na humantong sa pagkalat ng Covid-19 sa naturang barangay.

Maaaring humarap sa iba’t ibang kaso ang kapitan ng Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City dahil sa pagpapabaya sa tungkulin, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito’y matapos ang pool party na naganap sa kanyang barangay noong isang linggo na nag-resulta sa pagkalat ng sakit na Covid-19 kung saan aabot sa 54 ang nag-positibo.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, hindi maayos na naipatupad ang mga health protocol bukod pa sa mahigpit na ipinagbabawal ang “mass gathering” sa Metro Manila dahil na rin sa pandemya.

Nakarating rin umano sa kaalaman ng opisina nina Diño na trak umano ng bumbero ng naturang barangay ang ginamit na pang-puno sa pool sa naturang kasiyahan.

Hindi umano maaaring idahilan ng kapitan na kinilalang si Feliciano dela Cruz na hindi nya alam ang naturang pool party, pahayag pa niya.

“Talagang tatamaan dyan ang kapitan dyan at maaaring sumailalim yan sa imbestigasyon lalo may mga nagpositibo sa Covid-19 sa mga dumalo sa naturang okasyon,” ani Diño.

Nabatid sa ulat na tinatayang mahigit 600 katao ang pinaniniwalaang dumalo sa naturang kasiyahan na pool party sa naturang barangay.

Nauna rito, hinihingan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng paliwanag si Feliciano ukol sa nasabing pangyayari. (SC)

Tags: #OpinYonMetro, #QuezonCity, #NagkaisangNayon, #superspreader, #Covid19, #DepartmentofInteriorandLocalGovernment


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.