Covid-19 vaccination para sa mga bata, inihirit sa QC photo The Straits Times
Children

Covid-19 vaccination para sa mga bata, inihirit sa QC

Sep 14, 2021, 6:22 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Sa isang resolusyon na inihain ng dalawang konsehal sa Quezon City, binanggit nila na tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan para sa kalusugan ng mga residente ng lungsod kabilang na dito ang mga menor de edad laban sa Covid-19.

NAPAPANAHON na para simulan ang pagbakuna sa mga kabataan na nasa 12 hanggang 17-anyos laban sa Covid-19.

Sisimulan ito sa sandaling maaprubahan ang panukalang resolution na inihain ni Quezon City 5th District Councilor Allan Butch Francisco sa City Council para mabakuhan ang mga menor de edad laban sa naturang virus.

Sa dalawang pahinang resolusyon na inihain nina Francisco at 4th District Councilor Marra Suntat, binanggit nila na tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan para sa kalusugan ng mga residente ng lungsod kabilang na dito ang mgamenor de edad na nasa 12 hanggang 17-anyos dahil sa dumaraming kaso ng nahahawaan ng Covid-19.

Base sa direktiba ng Department of Health (DOH), sinabi nila na ang Food and Drug Administration (FDA) ay sinusugan ang pagamit ng emergency authorization ng Pfizer na isama angmga menor de edad na nasa 12 hanggang 17-anyospara mabakunahan kontra Covid-19.

Layunin ng naturang resolution na maprotektahan ang mga kabataan laban sa nakamamatay na sakit na Covid-19, bunsod na rin ng dumaraming kaso nito sa bansa.

Tags: #QuezonCity, #minors, #Covid19vaccine, #vaccinemandate


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.