Gumalaw man o hindi ang gobyerno, ang kabataan ng Pila, Laguna ay tila gising sa lumalalang krisis ngayon sa transportasyon.
Isa na rito ang “BRYANihan Breakfast Drive: Para sa mga Drivers at Riders”, isang proyekto ng lider kabataan na si Bryan Monserrat Daguinsin na ginanap mula April 11 hanggang 12 sa Barangay Bulilan Norte at Pila Plaza.
Ang nasabing food drive ay naglalayong matulungan kahit papaano ang 150+ Jeepney Drivers, Tricycle Drivers, at Delivery Riders na namamasada sa Pila.
“A small gesture for some, but it simply shows that there are still people that are willing to help at times like this,” pahayag ni Graciel Anne Ellerma.
Umani ng samo’t saring pananaw ang naturang gawain na umabot din ito ng 100,000 views sa Facebook at Instagram.
May iba mang bumatikos sa nasabing aktibidad, ngunit mayroong ding ginawang inspirasyon ang nasabing proyekto.
Pahayag ni Bryan sa kanyang Facebook post, “No one can stop me from doing what I love—serving others and following what my heart knows is right.”
#OpinyonLaguna #Business #Pila

