‘Sisterhood agreement’ sa pagitan ng San Pablo City at Liliw, nilagdaan na1
Collaboration

‘Sisterhood agreement’ sa pagitan ng San Pablo City at Liliw, nilagdaan na

Oct 6, 2021, 4:41 AM
James Veloso

James Veloso

Writer/Columnist

Sa nasabing kasunduan, isinasaad ang tuloy-tuloy na pagkakaroon ng pagkikipagtulungan at pagpagkakaisa ng dalawang lugar sa mga programang pang-turismo, pangkabuhayan, edukasyon, at pangkalusugan.

UMAASA ang bayan ng Liliw, Laguna na mas mapapaigting pa nang pakikipagkasundo sa lungsod ng San Pablo ang pagpapaunlad sa kanilang bayan sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya ng Covid-19.

Pormal na nilagdaan nina San Pablo City Mayor Loreto Amante at Liliw Mayor Ericson Sulibit ang isang “sisterhood agreement” sa pagitan ng dalawang lugar sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa Balay Celina, Liliw noong Oktubre 5.

Nakiisa sa naturang programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Liliw na sina Vice-Mayor Arnold Montesines, at mga Municipal Councilors Victor Agapay, James Cyrus Coligado, Arnulfo Lugada, Elizabeth Carrillo, Maria Ayessa Ticson, Lyca Leyma Luna, Nikko Marco Arsenal, Pablo Orioste, ABC Pres. Hedeliza Monfero, Municipal Administrator Ediel Franco Ilocso at mga department heads.

Sa nasabing kasunduan, isinasaad ang tuloy-tuloy na pagkakaroon ng pagkikipagtulungan at pagpagkakaisa ng dalawang lugar sa mga programang pang-turismo, pangkabuhayan, edukasyon, at pangkalusugan.

Sa mensahe ni Mayor Amante ay kanyang sinabi na laging bukas ang kanyang tanggapan at sa abot ng kanyang makakaya ay sisikaping ibigay ang anumang tulong na kakailanganin ng mga mamamayan ng Liliw.

Ang bayan ng Liliw ay matagal nang kinikilalang “tourist attraction” sa lalawigan ng Laguna hindi lamang dahil sa ipinagmamalaki nitong produktong tsinelas kundi pati na rin sa sa mga cold-water spring nito.

Tags: #OpinYonLaguna, #SanPabloCity, #Liliw, #sisterhoodagreement


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.