Mas madali na ang pagpapatupad ng security measures sa mga paaralan sa San Pablo City, Laguna.
metal detectors nitong nakaraang Miyerkules, September 2.
Bahagi ang pamamahagi ng mga hand-held metal detectors sa Disaster Preparedness Meeting na isinagawa ng Department of Education (DepEd) Schools Division Office (SDO) ng San Pablo, kasama si Acting Mayor Carmela Acebedo at iba pang mga opisyal.
Sa isang pahayag, sinabi ni Acebedo na mahalagang patuloy na pagtibayin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng mga paaralan, lalo na kaugnay ng mga insidente ng karahasan na naganap sa ilang paaralan.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng mga paaralan at ng Lokal na Pamahalaan upang higit na mapalakas ang seguridad at kahandaan sa anumang posibleng insidente.
Matatandaang nagpatupad na ng mas mahigpit na security measures ang mga paaralan sa buong bansa matapos ang dalawang insidente ng pamamaril sa loob mismo ng mga paaralan sa Tacloban City at Zamboanga City na ikinasawi ng ilang mga estudyante.
(OpinYon News Team)

