Saku-sakong problema sa San Pedro
Local Government

Saku-sakong problema sa San Pedro

Apr 20, 2026, 8:52 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Hindi dahil mainit ang panahon ngayon ay isinasawalang-bahala na ang banta ng pagbaha.

Kung ang mga estero at kanal natin ay pinabayaan lamang, tiyak na delubyo ang naghihintay pagsapit ng tag-ulan.


Batid ito ng lokal na pamahalaan ng San Pedro, Laguna, lalo na’t isa ang nasabing lungsod sa mga napupuruhan kapag hinahagupit at nilulubog ng mga dumadaang bagyo.


Kaya naman isang drainage clean-up drive ang isinagawa ng San Pedro City Engineering Office kamakailan upang mabawasan ang tsansa na maulit ito bunsod ng mga baradong daluyan.


Nilinis ng kanilang mga kawani ang ilang mga kanal sa lungsod kung saan tumambad ang saku-sakong burak at basura na nagiging sanhi para umapaw ang mga ito.


Bagaman mainam na nasusuri ng lokal na pamahalaan ang mga kanal, may paalala ang kanilang tanggapan hinggil sa paglilinis nito.


Hindi sa kanila nagsisimula at nagtatapos ang pagpapanatili ng kalinisan dahil responsibilidad ito dapat ng bawat mamamayan.


Ang munting pagsunod sa waste segregation pa lang ay malaking bagay na upang maiwasan ang pagkakataon na mapunta sa maling lugar ang mga itinapong basura.



#OpinYonLaguna #SanPedro


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.