PAGHIGOP SA TUBIG-BAHA SA BIÑAN CITY
Sinimulan na noong nakaraang Miyerkules, August 26, ang pumping operations sa Barangay Dela Paz sa Biñan City, Laguna. Personal na binisita nina Mayor Gel Alonte, Vice Mayor Dada Reyes at Representative Arman Dimaguila ang naging pumping operations sa Ilog Mariano ngayong araw. Bahagi ang nasabing operasyon ng pinaigting na programa ng pamahalaang lungsod ng Biñan upang maibsan ang pagbabaha sa mga coastal barangay ng lungsod, partikular na ang mga barangay ng Malaban at Dela Paz.
(Larawan mula sa Facebook page ni Mayor Gel Alonte)
#OpinYonaLaguna #BinanLaguna #WeTakeAStand

