One Meralco Foundation, namahagi ng computer sets sa Liliw
Social Service

One Meralco Foundation, namahagi ng computer sets sa Liliw

May 10, 2021, 3:43 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Taos-puso ang pasasalamat ng mga residente ng dalawang barangay sa Liliw, Laguna sa One Meralco Foundation dahil sa pagkakaloob nila ng mga computer sets na magagamit nila sa online learning.

Lubos ang pasasalamat ng dalawang barangay sa Liliw, Laguna matapos silang mabigyan ng computer sets ng One Meralco Foundation nitong nakaraang Mayo 7.

Tig-dalawang computer sets ang ipinagkaloob ng One Meralco Foundation, sa pangununa nina Meralco Relationships Manager Jinky Veluz, Engr. Ma. Veronica Shiene Nequinto, Engr. Gandy Del Mundo, at field representative Egienel Laza sa mga barangay ng Bayate at San Isidro sa bayang ito.

Ang naturang programa ay parte ng corporate social responsibility program ng Meralco na naglalayong makapag-abot ng tulong sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya ng Covid-19.

Nagpaabot ng pasasalamat sina barangay chairman Tirso Buenconsejo ng Bayate at Felino Mercado ng San Isidro sa One Meralco Foundation sa pagkakaloob sa kanila ng mga computer sets na magagamit nila sa mga gawaing pang-barangay at sa online class ng kanilang mga mag-aaral.

(SL/Kasama ang ulat mula kay Kevin Pamatmat at Shekinah Joy Pamatmat)

Tags: #OpinYonLaguna, #LiliwLaguna, #OneMeralcoFoundation, #CorporateSocialResponsibility


More about Social Service

FIRST AID photo Mike Taboy

FIRST AID

2 months ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.