Motorsiklo, tinangay ng kaibigan
Crime

Motorsiklo, tinangay ng kaibigan

Apr 21, 2026, 7:52 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Hindi akalain ng isang motorcycle owner na pagtataksilan siya ng isang kaibigan na tumangay ng kanyang sa sasakyan sa Mabitac, Laguna kamakailan.

Nagsumbong sa Mabitac Municipal Police Station ang biktima na kinilalang si alyas "Allen," 31 anyos at residente ng Barangay Sinagtala ng nasabing bayan, matapos umanong tangayin ang kanyang motorsiklo ng isang kinilala lamang sa alyas "Hapon," residente ng Barangay Lambac.


Ayon sa salaysay ni "Allen," minamaneho umano ng kanyang live-in partner ang kanyang motorsiklo nang lapitan umano siya ni "Hapon" at hiniling na hiramin ang kanyang motorsiklo.


Dahil alam ng kanyang live-in partner na magkaibigan ang dalawa, hindi siya nag-atubili na ipahiram kay "Hapon" ang motorsiklo sa kondisyong ibabalik niya ito sa gabi ring iyon.


Ngunit nang gumabi na ay hindi na umano bumalik ang suspek, dahilan upang maghinala si "Allen" na tinangay na nga ang kanyang motorsiklo.


Hindi kalaunan ay nadiskubre na lamang ni "Allen" na isinangla na pala ng suspek ang motorsiklo niya sa isang residente ng Barangay Labuin, Santa Cruz, Laguna.


Kaagad namang nagsadya ang biktima sa nasabing lugar at nabawi ang motorsiklo sa tulong ng mga opisyal ng Barangay Labuin.


Samantala, isang follow-up operation na ang ikinasa ng mga awtoridad laban kay "Hapon" na nahaharap ngayon sa kasong carnapping.

#OpinYonLaguna #Mabitac #Crime


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.