Mga taga Cabuyao, binalaan laban sa paggamit ng pekeng vaccination cards photo from CIO Cabuyao
Local Government

Mga taga Cabuyao, binalaan laban sa paggamit ng pekeng vaccination cards

Aug 18, 2021, 7:37 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

May mga ulat nang naitala ang pamahalaang lungsod ng Cabuyao na mayroong ilang residente ang gumagamit ng pekeng vaccination card upang makaiwas sa pagpapa-test, makaliban sa trabaho o makakuha ng ilang mga benepisyo na kaakibat nito.

NAGBABALA kamakailan ang pamahalaang lungsod ng Cabuyao, Laguna laban sa paggamit ng mga pekeng Vaccination Cards o Vaccine Certificates.

Sa inilabas na pahayag ng City Information Office (CIO) ng naturang lungsod , nakarating sa kanilang tanggapan ang mga ulat na mayroong ilang residente ang gumagamit ng pekeng vaccination card upang makaiwas sa pagpapa-test, makaliban sa trabaho o makakuha ng ilang mga benepisyo na kaakibat nito.

Bawat bakuna ay mayroong nakatakdang QR Code na isang paraan upang matukoy kung saan napunta ang bakuna at kung kanino ito naiturok, ayon sa CIO.

Anila, ang sinuman na mapapatunayan na gumagawa o nagpapagawa ng nasabing dokumento ay maaaring sampahan ng kaso alinsunod sa Revised Penal Code.

Bukod sa isa itong uri ng panlalamang sa kapwa ay posible rin aniyang maging dahilan ng pagkalat ng Covid-19 ang paggamit ng mga pekeng vaccination cards.

Kaugnay nito, hinihikayat ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao ang mga mamamayan na huwag tangkilikin ang ganitong gawain upang maiwasan ang anumang suliranin na maaaring maidulot nito.

(Ulat mula sa PIA)

Tags: #Covid19, #Covid19vaccine, #vaccinationcards, #fakevaccinationcards


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.