LINGKOD NG MAMAMAYAN, LINGKOD NG KALIKASAN.
Local Government

LINGKOD NG MAMAMAYAN, LINGKOD NG KALIKASAN.

Sep 28, 2026, 5:21 AM
Opinyon Laguna News Team

Opinyon Laguna News Team

Writer

LINGKOD NG MAMAMAYAN, LINGKOD NG KALIKASAN.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Philippine Civil Service Anniversary, nagsagawa ng tree-planting activity ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao, Laguna noong nakaraang Miyerkules, September 23. Mismong si Mayor Dennis "Denha" Hain ang nanguna sa pagtatanim ng mga puno sa bakanteng lote na katabi ng Marinig Senior High School. Sa isang post sa social media, binigyang-diin ni Hain na maliit na hakbang man ang isinagawang tree-planting, "malaking bagay ito para sa mundong ipapasa natin sa mga susunod sa atin." (Larawan mula sa Facebook page ni Mayor Dennis Hain)



#OpinYonLaguna #CabuyaoLaguna


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.