‘Lagay-Pera’ gang, muntik umatake sa San Pedro photo youtube
Crime

‘Lagay-Pera’ gang, muntik umatake sa San Pedro?

Nov 16, 2021, 7:34 AM
James Veloso

James Veloso

Writer/Columnist

Sa "lagay-pera" modus, may magsasabing may nakaiwan ng pera sa sasakyan ng biktima at kapag nakalingat na ang biktima ay saka kikilos ang mga kasabwat upang tangayin ang sasakyan.

ISA umanong bagong modus ng mga carnapper ang iniulat ng isang residente ng Chrysanthemum Village sa San Pedro City, Laguna ngayong araw (Nobyembre 16).

Sa isang post sa grupong “Chrysanthemum Village Online Bazaar,” ikinuwento ng netizen na si Reny Cruzate kung paano siya muntik matangayan ng sasakyan ng isang grupo gamit ang modus na “lagay-pera.”

Ani Cruzate, papaalis na siya mula sa parking lot ng isang bangko sa San Pedro City nang lapitan ang kanyang sasakyan ng isang babaeng naka-payong.

Kumatok aniya ang babae sa sasakyan at nang ibinaba niya ang bintana ay sinabi nito na tingnan ang likod ng sasakyan.

Pagtingin niya sa likod ng sasakyan ay doon niya napansin ang isang bunton ng barya at isang bente-pesos na papel na nakalagay sa bumper ng kaniyang sasakyan.

“Tanong ng babae ay sa inyo ba ang perang iyan at ng sabi kong hindi ay pwedeng kanya na raw iyon at takbo na akong sumakay,” dagdag ni Cruzate.
“Napansin ko ang 3 kabataang lalaki sa may gawing kanan ng vehicle na nakaitim lahat ng T-shirt, apparently they tried to open the vehicle pero nakalock at ng paalis na ako ay ang babaeng kasamahan ay nakatayo, nakakunot ang noo na kunyari ay tatawid ng kalsada.”

Mabuti na lamang daw at naisipan niyang i-lock ang lahat ng pinto ng sasakyan bago siya bumaba, pahayag ni Cruzate.

Nagbigay rin siya ng paalala sa lahat ng mga may-ari ng sasakyan na maging mapagmatyag sa mga tao sa kanilang paligid at siguruhing naka-lock lagi ang pintuan ng kani-kanilang mga sasakyan.

Tags: #OpinYonLaguna, #SanPedroCity, #crime, #lagaypera


More about Crime

QC cop dismissed, 4 others demoted by PLEB photo QC

QC cop dismissed, 4 others demoted by PLEB

2 months ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.