Hibla ng tradisyon at kultura
Celebrations and Festivals

Hibla ng tradisyon at kultura

Aug 31, 2026, 1:56 PM
Juliana Marie Dela Paz

Juliana Marie Dela Paz

Writer

Sa bawat tusok ng karayom at bawat hiblang naihahabi sa pinong tela, buhay ang kasaysayan at kultura ng Lumban, Laguna.

Sa darating na September 22 hanggang 24, nakatakdang ipagdiwang ang ika-25 Burdang Lumban Festival at ika - 448 Founding Anniversary of Lumban, na may temang “25 Taon ng Sining, Tradisyon at Inspirasyon.”


Kilala ang Lumban bilang “Embroidery Capital of the Philippines,” dahil sa husay ng mga artisan nito sa paggawa ng maseselang burda para sa Barong, Filipiniana at iba pang kasuotan.


Ang kaalamang ito ay ipinasa mula sa mga unang henerasyon hanggang sa kasalukuyan.


Tampok sa pagdiriwang ang Timpalak Galing sa Pagbuburda sa September 24, alas-8:00 ng umaga, sa Tanghalang Atty. Wilfredo O. Paraiso.


Bukas ito sa mga taga-Lumban na nais ipamalas ang kanilang husay at pagkamalikhain sa pagbuburda.


May premyong ₱5,000, ₱3,000 at ₱2,000 para sa unang tatlong magwawagi, habang may ₱1,000 consolation prize para sa mga kalahok na hindi nanalo ngunit matatapos ang kanilang obra.


Higit sa isang paligsahan, ang Burdang Lumban ay pagdiriwang ng isang pamana.


Sa bawat burda, patuloy na naipapasa ang sining, tradisyon at pagkakakilanlan ng mga taga-Lumban sa susunod na salinlahi.


Sa Lumban, ang kultura ay hindi lamang ipinagmamalaki—ito ay patuloy na tinatahi.


(Juliana Marie Dela Paz)

#OinYonLaguna #Cabuyao #LumbanFestival




We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.