Bagong simula para sa mga naligaw ng landas
Local Government

Bagong simula para sa mga naligaw ng landas

Sep 28, 2026, 1:55 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang bagong kanlungan ng mga kabataang napariwara. Ito ang inaasahang magiging hatid ng Pag-Asa Youth Rehabilitation Center na binuksan kamakailan sa Santa Rosa City, Laguna.

Sa isang pahayag sa social media, layunin ng nasabing center na maglaan ng ligtas at maayos na lugar para sa mga tinatawag na Children in Conflict with the Law (CICL).


Sa Pag-Asa Youth Rehabilitation Center, sasailalim sila sa mga programa na ayon sa LGU ay "tumutugon sa kanilang pangangailangan, tutulungan silang mapaunlad ang sarili at makapaghanda sa pagbabalik sa kanilang pamilya at komunidad."


Sa gitna ng dumaraming mga kaso ng mga kabataan na nasasangkot sa krimen at naliligaw ng landas, binigyang-diin ni Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas na anuman angpinagdaanan ng mga CICL, may pagkakataon pa silang magbago at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.


"Ang pagtatatag ng pasilidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na maabot ang mga kabataang nangangailangan ng pag-unawa at suporta. Hangad nitong tulungan silang matuto mula sa kanilang karanasan, maibalik ang tiwala sa sarili, at makapagsimulang muli," pahayag pa ng pamahalaang lungsod.


(OpinYon News Team)

#OpinYonLaguna #Sta RosaLaguna




We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.