Bagong henerasyon, bagong oportunidad para sa kaunlaran.
Ito ngayon ang nais hasain ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao, Laguna kasabay ng pagdaraos nito ng "Bagong Cabuyao Youthpreneur Forum" noong August 22.
Ang nasabing programa ay hatid ng Cabuyao Youth and Sports Development Office at City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO), katuwang ang Negosyo Center Cabuyao City ng Department of Trade and Industry.
Kabilang sa mga nagbahagi ng kaalaman at inspirasyon sa mga lumahok sa Youthpreneur Forum ang mga mahuhusay na business leaders at entrepreneurs sa bansa tulad nina Donald Lim ng Dito CME Holdings Inc, Raffy Canare ng Canvela, Edmark Bustos ng Amare la cucina, Romeo Pascual, VJ Santos, at Jason Famador ng Master Garage Philippines, at Anna Isabelle Go ng But First, Coffee PH.
Nagkaroon rin ng mentoring sessions na hatid ng local entrepreneurs na sina Robert James Delos Santos aka Diskarteng Basic, Jed Bella ng Mamang's Wood Fired Pizzeria, Oliver Hain ng Tropics Delight, Buena Bariring ng Da Buenas, Arlene Rivera ng Scentbox Fragrances, Sarah Jane Ramos ng Cabuyao Original Buko Roll Bakery, Marco Latayan ng FICO MANA : Self Portrait Studio, Jana Urriza at Beatrice Abelieto ng Arteza Chocolate.
Umaasa ang Cabuyao City LGU sa pangunguna ni Mayor Dennis Hain na mabubuksan ng nasabing forum sa mga kabataang Cabuyeño ang mga oportunidad sa negosyo at kabuhayan, na magiging daan upang sila ay maging aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.
(OpinYon News Team)
#OpinYonLaguna #Cabuyao #LocalBusiness

