Bryan Jayson Borja Biñan Tourism and Cultural Affairs Officer
Celebrations and Festivals

‘Araw ng Biñan,’ sesentro sa pagbangon sa gitna ng pandemya

Feb 1, 2021, 12:43 PM
Kimberly Tilar

Kimberly Tilar

Writer

Araw ng Biñan

BIÑAN CITY – “Araw ng Biñan (2021) will make the people aware sa mga pangyayari sa past years, heto ‘yung gamit- gamit natin at tangan-tangan natin kasi iisang Biñan tayong tutungo roon [sa kasalukuyan at hinaharap],” Bryan Jayson Borja – Biñan Tourism and Cultural Affairs Officer

Sa isang panayam sa OpinYon, inilahad ni Bryan Jayson Borja, pinuno ng Biñan City Culture, Heritage, Arts and Tourism Office (BCHATO) ang layunin ng magiging selebrasyon sa Araw ng Biñan na gaganapin mula Pebrero 2 hanggang 4 at may temang "Paghilom at Pagbangon."

Ayon kay Borja, nkasalamin ang mga selebrasyon ngayong taon sa paghilom ng bawat indibidwal at sabay-sabay na pagbangon kasama ang lungsod sa pamamagitan ng kultura, kasaysayan at sining sa kabila ng mga hamon na kinaharap noong nakaraang taon, at patuloy na kinahaharap sa kasalukuyan.

Nais aniyang ipaalala ng lungsod ang kahalagahan ng kasaysayan sa pagbangon ng isang bayan.

Dagdag pa niya, kinakailangan na balikan ang mga pangyayari sa nakaraan upang mapagtanto kung gaano nga ba katatag ang mga Biñanense bilang mga tao at bilang isang lungsod.

Binanggit din ni Borja na ang selebrasyon ay nakasentro sa tao; pagpaparangal sa mga taong nakatulong sa gitna ng pandemya, sa mga bayani at beterano ng lungsod, mga frontliners at maging ang mga taong nagtatrabaho sa larangan ng turismo dahil isa sila sa pinaka-naapektuhan nang dumating ang pandemya sa bansa noong Marso ng nakaraang taon.

Sa kabila nito, nagawan pa rin nilang tumulong sa mga apektadong mamamayan gaya ng pagpayag na gawing “quarantine facilities” ang mga hotel, pagtulong sa “contract tracing”, pag-aasikaso sa mga turistang naabutan ng lockdown, sa pag-oorganisa ng mga online event na may kaugnayan sa pagpapalawig ng turismo at marami pang iba.

Sa unang araw ay bibigyang highlight ang ika-11 na anibersaryo ng pagkatatag ng Lungsod ng Biñan na sisimulan sa isang banal na misa at pagbubunyag ng plano para sa isasagawang pagsasaayos ng Plaza ng Biñan, at tatapusin sa isang hapunang pagbibigay pasalamat sa mga presidente ng HOA.

Sa susunod na araw ay nakatuon naman ito sa ika-76 taong anibersaryo ng paglaya ng Biñan.

Paglilinaw ni Borja, ang araw na ito ay Non- Working Holiday. Noon 2019 ay inaprubahan ng Kongreso at Senado ang Republic Act 11442 – ang pagpayag na gawing Working Holiday ang ika- 3 ng Pebrero ng bawat taon sa lungsod ng Biñan.

Ngunit noong 2020 nang magsumite ng pormal na hiling ang lungsod upang gawin na itong non-working holiday at ito ay naaprubahan.

Kaya simula sa kasalukuyang taon ang ika-3 ng Pebrero ay magiging Non-Working Holiday na ito.

Sa ikatlo at huling araw, nakasentro naman ito sa ika-274th Foundation Anniversary ng Lungsod ng Biñan kung saan bibigyan ng pagkilala ang mga manggagawa ng Turismo ng Laguna.

Karamihan sa mga aktibades ay isasagawa online at susunod sa mga alituntunin ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.