Aabot sa 2.2 milyon, nabakunahan na sa Calabarzon photo from DOH CHD Calabarzon
COVID-19

Aabot sa 2.2 milyon, nabakunahan na sa Calabarzon

Jul 29, 2021, 7:06 AM
Opinyon Laguna News Team

Opinyon Laguna News Team

Writer

Tuluy-tuloy ang isinasagawang pagbabakuna sa mahigit 501 vaccination centers sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon.

Mahigit 2.2 milyon dose ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa mga indibidwal na kabilang sa prayoridad na grupo mula sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon, ayon sa Department of Health – Region 4A.

Ayon sa ulat ng DOH- Center for Health Development Calabarzon, aabot na sa 2,241,462 ang kabuuang bilang ng mga dose ng bakuna na niturok noong Hulyo 26.

Ayon pa sa DOH CHD 4A, 698,616 na mga indibidwal sa rehiyon ang fully vaccinated na o nakatanggap na ng kumpletong dose ng bakuna, habang 1.5 milyon pa ang naghihintay ng kanilang ikalawang dose.

Inaasahang tataas pa ang mababakunahan at makakatanggap ng kumpletong dose sa pagdating ng karagdagang supply ng bakuna mula sa pamahalaang nasyunal.

Nitong July 23 ay sinimulan na rin ang pagtuturok ng ‘single-dose’ na Johnson & Johnson vaccines kung saan binigyang prayoridad ang mga senior citizens at persons with disabilities.

Patuloy din ang DOH CHD 4A sa pagpapaalala sa mga indibidwal na kabilang sa prayoridad na grupo na hindi pa nababakunahan na samantalahin ang pagkakataon habang maraming supply ng bakuna.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang isinasagawang pagbabakuna sa mahigit 501 vaccination centers sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. (Ulat mula sa PIA/OLNT)

Tags: #OpinYonLaguna, #DepartmentOfHealth, #Covid19vaccine, #Calabarzon


More about COVID-19

QC appeals to expand Covid-19 vaccination to children

QC appeals to expand Covid-19 vaccination to children

12 hours ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.