431 Cabuyenong OFWs, natulungan ng pamahalaang lungsod
Assistance

431 Cabuyenong OFWs, natulungan ng pamahalaang lungsod

Sep 2, 2021, 12:52 PM
Opinyon News Team

Opinyon News Team

News Reporter

Ayon kay Gecolea, nakapagsagawa ang lokal na pamahalaan ng kabuuang 21 trips para sa libreng sakay ng mga OFW ngayong taon.

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao, Laguna na hindi pa rin nakakalimutan ang kapakanan ng mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa at naapektuhan rin ng pandaigdigang krisis na dulot ng Covid-19 pandemic.

Sa isang Facebook post kamakailan, ibinahagi ni Cabuyao City Mayor Mel Gecolea na umabot na sa mahigit 431 overseas Filipino workers, kabilang ang 35 distressed OFWs, ang natulungan ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao.

Dagdag ni Gecolea, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng Cabuyao OFW Cooperation 'Hatid-Sundo' Program.

Layunin ng naturang programa na makapagbigay ng libreng sakay para sa mga paalis o pabalik ng bansa mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal at papunta sa naturang paliparan.

Ayon kay Gecolea, nakapagsagawa ang lokal na pamahalaan ng kabuuang 21 trips para sa libreng sakay ng mga OFW ngayong taon.

Ang Cabuyao OFW Cooperation ay isang programa na binuo ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao noong 2017 upang mas mailapit natin ang mga programa ng lungsod sa mga OFW.

Bukod sa pagpapauwi sa mga OFWs na naapektuhan ng pandemiya, naging tulay din ang Cabuyao OFW Cooperation upang mabigyan sila ng alternatibong pagkakakitaan sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng pribadong sektor.

Kabilang sa mga programang inilunsad ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Cabuyao OFW Cooperation ang libreng online call center training sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TSWP) ng TESDA.

Bukod dito ay nagkaloob rin ng “pangkabuhayan package” ang pamahalaang lungsod sa mga napauwing OFW upang makapagsimula sila ng sariling negosyo.

Hinikayat naman ni Gecolea ang mga nais maging bahagi ng programa na makipag-ugnayan sa official Facebook page ng Cabuyao OFW Cooperation.

(Ulat mula sa PIA)

Tags: #OpinYonLaguna, #CabuyaoCity, #overseasFilipinoworkers, #CabuyaoOFWCooperation


More about Assistance

DA-4A, FCAs grant financial aid to coop photo from DA-4A

DA-4A, FCAs grant financial aid to coop

3 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.