San Pableña beauty, lalaban sa ‘Top Model of the World 2026’
Pageants

San Pableña beauty, lalaban sa ‘Top Model of the World 2026’

Jun 8, 2026, 3:22 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Bitbit ni Eunice Dimaculangan Deza mula sa San Pablo City, Laguna hindi lang ang pride ng kaniyang mga kababayan kundi ng buong bansa.

Ito ay dahil rarampa kasi sa international stage ang beauty queen at model bilang kinatawan ng Pilipinas sa 32nd Top Model of the World.

Ang coronation night ng nasabing pageant ay gaganapin ngayong Lunes, June 8, sa Arena of the V Luxury Resort sa Sahl Hasheesh, Hurghada, Egypt.


Nauna nang nagpamalas sa preliminary swimsuit competition si Deza kamakailan, at kasalukuyang nakapwesto sa Top 4 ng overall ranking.


Katulad ng karamihang batikan sa beauty contest, hindi na rin bago ang mga ito para kay Deza.


Matatandaang kinoronahan siya bilang Miss Universe Philippines San Pablo noong 2024 at Mutya ng Pilipinas Visayas noong 2025.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #TopModeloftheWorld2026 #EuniceDimaculanganDeza


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.