Tanauan muling namahagi ng ‘welfare goods’
Assistance

Tanauan muling namahagi ng ‘welfare goods’

Feb 21, 2022, 5:02 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

TANAUAN CITY- Muling isinagawa ng pamahalaang lungsod dito nitong Miyerkules (Pebrero 16, 2022) ang pamamahagi ng “welfare goods” para sa Tanauenong nagpositibo sa COVID-19 virus.

Ang “welfare goods” ay naglalaman ng 25 kilong bigas at mga delata at iba pa.

Ang distribusyon ay isinagawa sa Tanauan City Gymnasium I kung saan ang mga Barangay Health Workers (BHW) ang inatasang mamahagi sa kanilang mga nasasakupan.

Nitong Miyerkules ay naipamahagi ang may 321 “welfare goods” sa mga taga-barangay Altura Bata, Altura Matanda, Altura South, Bagbag, Bañadero, Banjo West, Gonzales, Hidalgo, Janopol Occidental, Laurel, Luyos, Mabini, Malaking Pulo, Maria Paz, Maugat, Montana, Poblacion 2, Poblacion 5, Sala, San Jose, Santol, Sulpoc, Suplang at Wawa.

Ang mga nagpositibong mamamayan ng mga nabanggit na barangay ay inaasahang makipag-ugnayan sa kani-kanilang BHW upang makuha ang nasabing ayuda. (OpBats)


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.