Pagtatatag ng School Division sa Sto. Tomas City, kasado na
Education

Pagtatatag ng School Division sa Sto. Tomas City, kasado na

Jan 17, 2022, 3:30 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

STO. TOMAS – Plantsado na’t pirmado ang pagtatag ng School Division Office sa lungsod na ito.

Ito’y matapos na lagdaan ng mga opisyal mula sa pamahalaang lungsod ng Sto. Tomas at Kagawaran ng Edukasyon noong Miyerkules, 05 January 2022 ang naturang hakbangin.

Ang pagtatag ng School Division sa lungsod ay pormal ng nilagdaan nina Mayor Edna P. Sanchez, Vice Mayor Armenius O. Silva kasama sina Dr. Merthel M. Evardome SDS - SDO Batangas, Dr. Francis Cesar B. Bringas RD Calabarzon, Dr. Guillerma L. Bilog PSDS Sto Tomas South District at Dr. Olivia J. Deocariza PSDS - Sto Tomas North District.

Ang naturang hakbangin ay kaugnay ng pagiging lungsod ng Sto. Tomas upang mapalawak ang sariling division ng DepEd dito.

Isa pang advantage ng may sariling School Division ay mapapatatag nito ang kalidad at pagtuturong pang-edukasyon ng mga Tomasino.

“Ako’y natutuwa at malaki ang aking pasasalamat sa DepEd at matutuloy ang pagkakaroon ng School Divison ang lungsod ng Sto. Tomas,” wika ni Mayor Edna Sanchez matapos ang ceremonial signing.

Ayon naman kay Dr. Merthel M. Evardome SDS - SDO Batangas, magiging isang magandang legasiya para kay Mayor Sanchez ang pagkakatatag ng SDO bago siya magretiro sa Hunyo 30, 2022.

Ang schools division offices ay siyang primary support structure sa pagpapatakbo ng mga eskuwelahan pati na ng mga aktibidades ng administrative supervision sa eskuwelahan.

Agaran ding natutugunan ang mga problema ang lahat ng antas ng eskuwelahan kapag may sariling school division office and isang LGU.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.