Natatanging Tomasino binigyang parangal ng Sangguniang Panlungsod
Local Government

Natatanging Tomasino binigyang parangal ng Sangguniang Panlungsod

May 10, 2021, 4:25 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

BINIGYANG parangal ang tatlong natatanging Tomasino, o mga indibidwal na tubong Sto, Tomas City, Batangas, kamakailan ng Sangguniang Panglungsod dahil sa kanilang kapuri-puring gawa.

Opisyal na kinilala ang kani-kanilang kapuri-puring galing at husay sa kanilang napiling propesyon o trabaho ng Sangguniang Panlungsodsa pamamagitan ng city resolution na akda ni Hon. Adrian C. Carpio at Hon. Arlene F. Mañebo.

Binanggit sa kanilang ginawang resolusyon na sila'y karapat-dapat na pagkalooban ng karampatang karangalan dahil sila ang mga Tomasinong nagdala ng karangalan sa lungsod at binigyang parangal ng ilang mga ahensya dahil sa kanilang kahusayan.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod (mula kaliwa sa kasamang imahe na may mga hawak ng plake):

1) DR. WENNIE C. GONZALES na napili bilang Outstanding School Head of the Year sa "Second Instabright National Awards for Educators" 2021 - 412

2) DR. LORD MARIE V. LAT na napili bilang 'Most Innovative Teacher of the Year' sa "Second Instabright National Awards for Educators": Resolution No. 2021 - 411

3)MRS. DSIDERIA M. ATIENZA sa kaniyang pagkakatalaga bilang Executive Director III ng National Council for Children's Television (an attached agency of the Department of Education): Resolution No. 2021 - 455

Congratulations at Mabuhay ang mga Tomasino! – IA


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.