Nakaambang panganib 103 pagyanig, naitala sa Bulkang Taal photo from Philippine Star
Taal Volcano

Nakaambang panganib? 103 pagyanig, naitala sa Bulkang Taal

Aug 8, 2021, 5:17 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Umabot sa 103 volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

MULING tumaas ang bilang ng mga pagyanig na naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volocanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa 103 volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng bulkan.

Patuloy na nakataas ang Alert Level 2 sa paligid ng bulkan dahil sa panganib ng pagputok, volcanic earthquakes, mahinang pagbuga ng ashfall, at volcanic gas.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone o PDZ ng bulkan lalo na malapit sa bunganga ng bulkan.

Kaugnay nito pinaalalahanan rin ng ahensya ang mga local government unit sa lugar na pagibayuhin ang paghahanda at kung kinakailangan ay ipatupad ang evacuation samga barangay na malapit sa bulkan.

Tags: #TaalVolcano, #Taalupdate, #Phivolcs


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.