Let’s limit our greed, Ate, Kuya
Editorial

Let’s limit our greed, Ate, Kuya

Oct 3, 2023, 12:41 AM
OpinYon Editorial

OpinYon Editorial

Writer

Halos iisa ang reklamo ng mga nanay o mamimili sa pamilihang bayan ng Santo Tomas City: Sobrang mahal ng mga bilihin, maging gulay man ito, prutas, isda, baka, baboy, manok atbpa.

Katunayan, ang nangyayari sa kasalukuyan ay halos hindi na nga maabot ng taumbayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin na nabanggit sa itaas.


Katunayan, ang isang kadahilanan nito ay ang sobrang patubo o markup ng mga manininda sa mga palengke.


Malayo na ngayon kumpara sa dati na magkakasya sila sa P5 na tubo o patong sa isang item o paninda. Manipis na rin sa kanila ang P10 na patong o kahit na P15, P20, o P30.


Ang nais nila ay doble, o kung hindi man triple!


Kung nabili nila ang isang paninda kunyari, sa halagang P70 kada kilo ang isang piling ng Lacatan na saging, ibebenta nila ito sa halagang P140 kada kilo.


Minsan pa P150 per kilo, kagaya ng isang nasabi ng isang tindera sa Putol, isang lugar sa Bgy. San Antonio, Santo Tomas City.


Kung lilimitahan lamang ng mga manininda ang markup nila o patubo, malamang na hindi aaray ang taumbayan sa bulsa nila.


Oo, diktado ng oil companies ang presyo ng mga bilihin sa mundo dahil sa tinatawag na oligopoly ngunit may mga paraan na maiiwasan ito kung maglilimita lamang ang traders o manininda sa kanilang katakawan sa tubo.


They should limit their greed.


Katunayan, sa tinatawag na “Bagsakan” ng lahat ng uri ng panindang gulay, prutas, mga sangkap sa pagluto ay matatagpuan sa Tanauan City, karatig pook ng STC.


Mura ang kilo ng saging roon, mura ang kilo ng mga gulay, atbpa., ngunit pagdating sa Pamilihang Bayan ng STC, DOBLE ANG PRESYO!


Minsan may bumili ng dalawang piraso ng patatas sa merkado ng STC, umabot ito ng P75 subalit sa Bagsakan ng Tanauan, isang kilo na at kalahati ang mabibili nito.


Sa may Bgy. Sta. Maria (Pob 4) naman na sakop pa ng STC ngunit ka-boundary na ng Tanauan, may bilihan rin doon ng murang baboy, kalabaw, baka, kambing dahil marunong silang maglimita sa katakawan ng kita.


Ngunit pagdating sa Santo Tomas, OMG, mas mahal ang kilo ng P40, P50, o P60 pa minsan.


Kung lahat ng mga manininda ay ganyan ang ugali sa pagtitinda na matakaw sa tubo, masasabi natin na kahit pa sinong Presidente ng Pilipinas o kalihim ng DTI, o ng Finance ay mapapanot sa pagiisip kung papapaano pababain ang presyo ng mga bilihin.


Let’s limit our greed mga kabayan.


That’s the key.

#OpinYonBatangas #Editorial #LetsLimitOurGreedAteKuya #SantoTomas #Batangas #DobleAngPresyo #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.