Edukasyon Bilang Pangunahing Layunin
Editorial

Edukasyon Bilang Pangunahing Layunin

Dec 4, 2023, 8:15 AM
OpinYon Editorial

OpinYon Editorial

Writer

Mahigit anim na libong iskolar ng lungsod ng Sto Tomas ang tumanggap kamakailan ng kanilang scholarship grant at financial assistance.

Ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapahayag ng mahalagang papel sa edukasyon na ginagampanan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kasama sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at ang Sangguniang Panlungsod.


Ang pagsuporta sa edukasyon ay tiyak at nararapat na pangunahing layunin ng isang lokal na pamahalaan, kung saan ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral saan mang lugar sa Pilipinas.


Natitityak natin na hindi lamang ang mga batang Tomasino mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong paaralan ng senior high school at kolehiyo ang mga masuwerteng benepisyaryo ng scholarship program na ito kundi pati na rin sa iba pang LGU ng Batangas at buong Pilipinas.


Ang pagsusumikap ng programang ito ay naglalayong maging daan upang ang kabataan ay magtagumpay sa kanilang larangan at maging bahagi ng makabuluhang bahagi ng lipunan.


Community Pantry


Isa pang kapuri-puring hakbangin ay ang pagtataguyod at paglunsad ng LGU Sto Tomas ng tinatawag na Community Pantry para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.


Isa itong makabuluhang hakbang para sa pangangalaga sa kapakanan ng mga kawani, kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na magkaruon ng sariwang gulay mula sa sariling ani ng City Agriculture Office.


Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang naglalayong mapunan ang pangangailangan ng mga kawani, kundi pati na rin ay nagtataguyod ng pagkakaisa at sustenableng pamumuhay sa pamamagitan ng lokal na agrikultura.


Isang magandang halimbawa ito ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan para sa pangkalahatang kaunlaran.


Ang regular na pagpapatupad ng ganitong programa ay nagpapakita ng masusing pagtingin ng lokal na pamahalaan sa kagalingan ng kanilang mga empleyado at ang pangangalaga sa kalusugan ng buong komunidad.


Sa ganitong paraan, lumalim ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan, na nagbubunga ng mas makatarungan at makabuluhang lipunan.

#OpinYonBatangas #Editorial #Edukasyon #StoTomas #ArthJhunAguilarMarasigan #CatherineJauriguePerez #CommunityPantry #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.