Patuloy na umiiral ang Alert Level 2 ang Bulkang Taal, kung saan pinaaalalahanan ang publiko sa banta ng posibleng pagputok ng bulkan, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas.
NAKATAAS sa alert level 2 ang bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Mayo 31.
Sinabi ng Phivolcs bukod dito nakapagtala rin ng isang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan.
Ayon sa Phivolcs, may naganap rin na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na tumaas ng 500 metro bago mapadpad sa timog-kanluran.
Patuloy na umiiral ang Alert Level 2 ang Bulkang Taal, kung saan pinaaalalahanan ang publiko sa banta ng posibleng pagputok ng bulkan, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman malapit sa bulkan na nasa ilalim ng Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater ng bulkan.
Nagbabala rin ang Phivolcs sa local na pamahalaan na hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. (SC)
Tags: #OpinYonBatangas, #TaalVolcano, #TaalVolcanoupdate

