Air quality monitoring, inilunsad sa Batangas
Environment

Air quality monitoring, inilunsad sa Batangas

May 13, 2021, 5:57 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Patuloy ang isinasagawang pagmo-monitor ng e sa kalagayan ng hangin sa lalawigan sa gitna ng pandemiya.

Patuloy ang isinasagawang air quality monitoring ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) kahit sa panahon ng pandemya.

Sang-ayon sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, walong monitoring stations ang itinalaga ng PGENRO sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, kabilang na ang mga lungsod ng Lipa, Batangas, Sto. Tomas at Tanauan at sa mga bayan ng Taysan, San Pascual at Taal.

Kumukuha ang mga ito ng samples gamit ang high volume sampler upang masuri ang kalidad ng hangin sa mga bayan at lungsod na nabanggit.

Isinasagawa ang mga pagsusuri upang malaman ang kalidad ng hangin sa mga itinatalagang stations na magiging batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa para mapanatiling nasa “standard” ang kalidad ng hangin sa buong lalawigan.

Bukod dito, nagsasagawa rin ng ng air quality monitoring ang nasabing tanggapan sa sampung district hospitals ng lalawigan.

Kabilang sa mga ito ay ang Batangas Provincial Hospital, Apacible Memorial District Hospital, Don Manuel Lopez Memorial District Hospital, Lobo Municipal Hospital, Laurel Memorial District Hospital, Martin Marasigan Memorial District Hospital, Lipa District Hospital, MVM Sto. Rosario District Hospital, San Jose District Hospital at San Juan District Hospital.

Nakikipag-ugnayan sa PGENRO ang mga nasabing mga pampublikong ospital bilang pagsunod sa mga kundisyong ng kanilang Environmental Compliance Certificate o ECC kaugnay ng Republic Act No. 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999.

Ipinagbibigay-alam ang resulta sa administrasyon ng mga district hospitals para sa kanilang kabatiran at agarang solusyon kung hindi pasado sa wastong pamantayan ang resulta. (IAm/OpinYon Batangas)

Tags: #OpinYonBatangas #airquality #airpollution #ProvincialGovernmentEnvironmentandNaturalResourcesOffice


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.