5.4-B 2022 budget ng Batangas, aprubado!
Finance

5.4-B 2022 budget ng Batangas, aprubado!

Dec 27, 2021, 2:44 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

BATANGAS CITY– APRUBADO na ang P5.4-B budget ng lalawigan ng Batangas para sa taong 2022.

Ito’y nilagdaan sa araw ng 440th anniversary ng lalawigan noong Disyembre 14 sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas at Vice Governor Mark Leviste sa isinagawang Executive Session sa Bulwagang Batangan sa Kapitolyo sa lungsod na ito.

Naging makasaysayan ang naturang pagpupulong at pagtitipon dahil ito’y dinaluhan din ng mga local chief executives mula sa lahat ng sulok ng lalawigan ng Batangas.

Naging tampok din na paksa ang pagtalakay sa nalalapit na implementasyon ng Mandanas Ruling sa susunod na taon, kung saan umaasa ang lahat ng government leaders na makakaragdag sa kanilang serbisyo publiko.

Naging bahagi rin ng nasabing aktibidad ang open forum, na nagbigay ng pagkakataon upang mas mapagtibay pa ang ugnayan ng bawat lokal na pamahalan.

Ang 2022 provincial budget ay may kabuuang halaga na P5,445,919,907.00.

Ito’y naunang inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan noon pang Biyernes, Dec 10, 2021.

Ayon kay Gov. Mandanas, ang health services ang siyang may pinakamalaking share ng budget dahil ito’y may nakalaan na P2-B para sa susunod na taon.

Kasama na rito ang pagpapatayo ng mga bagong hospital sa lahat ng local government units ng Batangas pati na ang patuloy na laban ng lalawigan kontra sa coronavirus at iba pa.

Nakatakda rin dumano magdagdag ang bawat local government unit ng lalawigan ng mga barangay health worker upang lalo pang malabanan ang anumang darating na epidemya o pandemya na gaya ng Covid.

Lalo pa diumano pagiibayuhin ng lalawigan ang mga gamit o kasangkapang pang-ospital upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Batangueno.

Ayon pa kay Mandanas, layunin din ng lalawigan na sa darating na taon ang mabigyan ng libreng pagpapagamot ang lahat ng Batangueno sa pamamagitan ng Universal Health Care.

Dahil sa napinpintong implementasyon ngayong taon ng Mandanas Ruling, inaasahan ng lalawigan na madagdagan pa ang pondo nito ng P50 milyon at ito, ayon pa kay Mandanas, ang gagamitin ng lalawigan maisaktuparan ang libreng gamutan sa Batangas sa darating na taon.

Parte ng malaking budget sa health services ay gagamitin din sa pagbili ng mga ambulansya para sa bawat barangay ng lalawigan na siya ring magsisilbing rescue at evacuation vehicle ng mga ito sakaling may mga kalamidad ng gawa ng pagputok ng bulkang Taal noong January 12, 2020.

Sumunod sa laki ng budget ng health services ay ang parte ng edukasyon na umabot sa P700 milyon.

Hindi na inisa-isa pa ng punong lalawigan ang detalye ng mga pagkakagastusan sa P5.4B na pondo ngunit aniiya makakaasa ang publiko na pagiibayuhin pa ang agrkultura, livelihood, at food production projects sa Batangas lalo na’t kinilala na ng Department of Agriculture ito bilang “Gateway ng Agro-Business Corridor” ng Luzon.

Maningning aniya pa ang kinakaharap ng lalawigan ng Batangas at iba pang LGU sa bansa dahil na rin sa napinpintong implementasyon ng Mandanas Ruling na naging adbokasiya niya noon pang siya ay congressman.

Ang Mandanas Ruling o MR ay naglalayong balansehin ang “inequality” ng financial resources sa mga LGUs.

Ayon sa desisyon ng Supreme Court noong 2018 at pinagtibay noong 2019, ang ang IRA (internal revenue allocation) ay tataas ng halos 55 percent sa 2022 budget, at aabot sa P1.08 trillion o 4.8 percent sa gross domestic product ng bansa kumpara sa 3.5 percent ng GDP noong 2021.

“We look at the implementation of the Mandanas Ruling not just as a transfer of resources but an opportunity to strengthen decentralization and improve social service delivery in the Philippines,” wika ni Ndiame Diop, World Bank Country Director.

“If this ruling leads to better coordination in planning and implementation across levels of government, taking into account the capacity and needs of LGUs, it could improve the lives of people and communities especially those that far from the country’s economic growth centers.”
“Local governments are on the ground and can directly feel citizen’s needs and aspirations,” dagdag pa ni Diop. “Hence, decentralization encourages prompt responses and better matching of government services to local needs, making governance more inclusive. This is especially true if citizens have effective channels through which their voices are heard to enhance accountability.”

Ayon naman kay World Bank Economist Kevin Cruz, nararapat na paghandaang mabuti ang transition at paigtingin ang decentralization.


More about Finance

Bills to strengthen retiree funds being readied

Bills to strengthen retiree funds being readied

3 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.