iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Walang iwanan

May 13, 2021, 1:55 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Nobody left behind or in tagalog, “walang iwanan.” Kalimitan ito inia-apply sa crisis situation o iyong mga mapanganib na kalagayan.

Nasa ganito nang sitwasyon ang lalawigan ng Batangas sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Dodo Mandanas kung saan pati na ang mga walang kaso ng Covid-19 na pamilya ay nabiyayaan ng karampatang ayuda mula sa pamahalaang lalawigan.

Marahil pwedeng masabi na ito’y kalakip o kasama sa political plan ng gobernador upang pag-ibayuhin ang kanyang tsansa kontra sa mga magiging kalaban niya sa darating na halalan.

Eksaktong isang taon na lamang ang nalalabi upang bumalik ang mga botante sa polling precincts at mamili ng mga karapat-dapat manilbihan sa publiko, kung kaya’t ngayon pa lamang ay nararapat nang magparamdam sa pamamagitan ng kung anong pakulo o gimik.

Ang ganitong style ng ayuda na ginagawa ng pamunuang Mandanas ay sobrang magasto. Hindi ito kakayanin basta ng kung sinong kandidato.

Gaya na lamang ng ipinamigay ng Tropang Mandanas sa Tanauan City, ay may kabigatan. Umabot sa 10,578 na food packs, vitamins, at personal protective equipment ang ipinamigay rito nitong May 6, 2021 na umabot sa halagang o kantidad na P150M!

Hindi tayo tutol sa ganitong kapakinabangan ng taumbayan dahil unang-una ay galing din naman lahat talaga ito sa mga pera nila mula sa buwis direct o indirect taxation na pinagipon-ipon upang maging kaban ng bayan.

Kung ito man ay pamumulitika o advance political campaigning, tayo po ay hindi tutol dito dahil kahit papano ay para sa kapakinabangan ng mga tao na karamihan ngayon ay hikahos dahil sa mga nasarang mga opisina at iba pa na tinamaan ng pendemya.

Ngunit sabi nga natin, hindi basta kakayanin ng kanyang mga katunggali sa pulitika dahil sa laki ng kantilad na kailangan dito upang ilunsad.

Kung kaya't masasabi natin na mahihirapan ang sinumang maglalakas loob na labanan si Gov. Dodo Mandanas sa lalawigan sa darating na halalan.

Isa pa ay kung hindi siya lalabanan ni Congw. Vilma Santos-Recto!


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.