Open Line Column by Bobby Ricohermoso
Open Line

Tatakbo ba si RSA?

Sep 7, 2021, 5:35 AM
Bobby Ricohermoso

Bobby Ricohermoso

Editor

NAKATUON ang pansin ng sambayanan ngayon sa mga umano ay katiwalaan sa pamahalaan partikular sa bilyon-bilyong pisong halaga ng mga gamit pang-medikal na winaldas umano nang mga taga DOH at DBM.

Maliban diyan, mainit din ang tunggalian at puwestuhan sa pulitika ng ibang nagpa-plano at umuugong na tatakbo sa ibat-ibang puwesto partikular sa mga nais maging pangulo at pangalawang pangulo.

Sa ngayon ay walang duda na si presidential daughter Sara Duterte pa rin ang paboritong manalo sa pagka-pangulo sakaling mag-desisyon siya na tumakbo sa 2022.

Matunog din si dating Sen. Bongbong Marcos na panay ang ikot sa ibat-ibang dako ng bansa samantalang matagal na ring nagdeklara na tatakbo bilang tandem sina Sen. Ping Lacson at Tito Sotto.

Nandiyan din si VP Leni na medyo nagpapakipot pa pero halata naman na talagang tatakbo rin sa pagka- pangulo siempre.

Maingay din ang bulong-bulungan na tatakbo rin bilang magkapartner sina Sen. Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno .Ewan ko lang kung papayag si pareng Arman N. na bise lang ang boss niya. He-He!

Pero sa lahat ng ingay na ito ay tila hindi halos nababanggit si SMC top man Ramon S. Ang.

Bagama’t nauna na niyang idineklara na wala siyang planong pumasok sa pulitika, kapansin-pansin ang tuloy –tuloy na saturation sa mainstream at online media ng kanyang mga taga-suporta na nananawagan para tumakbo siya bilang pangulo.

Sa katunayan isaang grupo na tinatawag na Ramon Ang for President 2022ang maingay na maingay ngayon at aktibo sa mga online platform ang nanawagan para tumakbo siya bilang pangulo.

Isa mga nagpo-post ay si Belinda Olivarez-Cunanan bagamat hindi natin matiyak kung siya iyong taga PDI o kapangalan lang niya, at nanawagan kay RSA para tumakbo bilang pangulo.

Ilan sa mga post ay’ pls decide to run as our President. We really need you to implement good changes for our country that we Filipinos will benefit upon just like what you have been doing lately till now for the good of the people. Go go go !!!!!!” Belen Casayuran

"RSA 2022" Always deliver more than expected,” ang sabi naman ni Cecilia Manangan

“Aspire in inspire .....when u living the great awesome of yourself, RSA you inspire other to live the best version of themselves. Not only a great businessman but an awesome leader. Proud of you to be our President 2022,” iyan naman ang hirit ni Menzi Herrera.
“Nakakahiya man boss RSA, pero nakikiusap na kami, ikaw na lang pag asa namin eh! I just wanted to see that my children have a future in this country,” apela naman ni Glasslee Vinee.

Sa ngayon ay mahigit 13,000 na ang miyembro ng grupo at tila dumarami pa araw-araw.

Pero habang sinusulat ang kolum na ito ay wala pa ring pahayag si RSA hinggil sa mga panawagang ito bagama’t baka sakaling sa huli ay baka magbago rin ang isip niya at mahikayat din siya na tumakbo bilang pangulo.

Sa harap ng lahat ng ito ay tila lalong humihigpit ang labanan sa pulitika at tila iisa ang gusto ng mga tao at ito ay pagbabago at kung tatakbo si RSA baka sakali na magkaroon nga ng isang totoong alternatibo mula sa tradisyonal na pulitiko.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.