The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

PAGBILAWIN UNA KA (P1K)

May 19, 2021, 12:36 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

KUNG serbisyong pampubliko ang pag-uusapan ay higit na kapuri-puri ang mga programa ni Mayor Shierre Anne Portes-Palicpic dahil patuloy nyang ginagawa ang mga bagay na makabubuti sa kanyang mga kababayan.

Pangunahin sa mga ito ay ang programang may temang...PAGBILAWIN UNA KA (P1K) PROGRAM o ang Pagbilao First 1000 Days of Life Program na konsepto ni Mayor Palicpic. Ang 1,000 araw na binubuo ng 270 araw sa loob ng sinapupunan ng ina at 730 araw mula ng ipanganak ang sanggol hanggang sa abot ito ng dalawang taon. Nagbibigay ito ng pagkakataon na maisiguro ang kalusugan ng sanggol at ang kanyang ina. Naniniwala si Mayor Palicpic na kritikal ang panahong ito kaya dapat mabigyan sila ng tamang nutrisyon.


Ayon sa mga eksperto, ang malnutrition sa panahon ng pagsisimula ng buhay sa sinapupunan ay magiging dahilan ng irreversible damage sa brain development ng bata at maging sa kanyang physical growth, patungo sa pagbaba ng kapasidad na matuto at ang mahinang performance sa school. Magiging masakitin din ang mga ito at ang panghabang buhay na pagkawala ng earning potential. Ang malnutrition din ay makakapagpataas ng risk sa pagkakaroon ng mga karamdaman tulad ng sakit sa puso, diabetes at ilang uri ng cancer pagkalipas ng panahon.


Ayon kay Mayor Shieree Anne Palicpic, naka-focus sila sa tamang nutrition sa loob ng 1,000 araw ng sanggol lalo na sa pag-iwas sa damage na dulot ng gutom at malnutrition. Ito aniya ay nangangailangan ng karampatang aksyon para palakasin ang kasalukuyang Maternal and Child Care Program upang maabot ang tamang kalusugan, nutrisyon at panlipunang resulta nito kaya ang Pagbilawin Una Ka ay isinilang mula sa sinapupunan ng pamahalang bayan ng Pagbilao.


Habang hinihintay ang pagsilang ng sanggol ay magkakaroon ng mga aktibidad na ginagawa kaugnay ng PagbilaWIN Una Ka program: Usapang Buntis na kinapapaluoban ng free natal check- up at dental check-up, complete blood count (CBC) at urinalysis, lectures tungkol sa safe motherhood, Expanded Immunization Program. Kasama din dito ay ang lectures tungkol sa sanitation at distribution ng toilet bowls with cement at lectures tungkol sa oral care. Ang Municipal Agricultural Office ay namahagi naman ng vegetable seeds sa mga benepisaryo ng 1,000 days program para sa kanilang pagtatanim ng gulay. 


Sabi ni Mayor Palicpic: "Anyaya ko na pagsaluhan natin ang naging bunga na dala ng kaunlarang tinatamasa ng ating bayan ngayon. Buong sigla at kagalakan din nating ipagpasalamat sa Diyos, una sa lahat, na kung hindi sa tulong Niya, ay hindi magiging posible ang lahat. Nawa ay matanaw din ninyo kung gaano kalawak at kalayo ang maari pa nating maabot bilang isang bayan. Ang mga programang aking ginagawa ay magbigay nawa ito sa inyo ng patuloy ng pag-asa upang magsikap para sa magandang bukas ng ating minamahal na pamilya at mga kababayan."#


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.