iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Mga tauhan ni Dr. Rose Ozaeta sa PHO natutulog sa pansitan

Feb 10, 2022, 12:47 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

TULOG sa pansitan ang kadalasang tawag sa gaya naming manunulat kapag ang tanging dyaryo mo lang ang walang balita sa isang importanteng istorya ng nakalipas na araw sa mga daily newspapers noon sa Maynila magpahanggang sa ngayon.

Para sa atin, ganito rin ang kasalukuyang nagaganap sa istado ng Provincial Health Office ng Batangas sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Rose Ozaeta na, kung ikukumpara mo sa ibang probinsya ay tanging ang Batangas lamang ay siyang merong manaka-nakang pag-update sa mga kaso ng Covid-19.

Hindi lamang po tayo ang nangungulila sa impormasyong ito na dati naman noong nakalipas na taon ng 2020-2021 ay religiously updated ang talaan ng Covid-19 ang lalawigan.

Anyare po Dok sa iyong mga tauhan jan sa PDHO/PHO, at ng PESU (Provincial Epidemiology Surveilance Unit?

May mga netizens na nagsasabing “baka nag-positive ang taga-gawa ng Covid-19 Updates” ‘ika.

Heto pa:

“Its fine with us that u retain it to Level 3 but please, provide us with reports. Show us the numbers. For several days ive been checking the Batangas PIO for the status by towns. What’s the basis for this Alert level 3???” -- Marico Medina

One Allen Villanueva answered for Marico:

“Marico Medina mukhang walang mag provide Nyan update na Yan madam. Dati sa PIO meron, lately wala. Bka positive ung assign sa report na un.”

Yup, korek. The provincial public information office is also to blame here.

Opo, sa PHO at PESU nanggagaling ang numbers then ang PPIO ang siyang gumagawa ng posting online.

Whatever, meron dapat proper coordination ang dalawa, err, tatlong sangay na ito ng Kapitolyo.

Kapag nakalimot ang PHO at PESU, pwede silang kalampagin ng PPIO, and vice versa.

Am wondering why it’s like this.

Every week naman sa weekly zoom meeting ng provincial IATF, kumpleto naman ng datus si Dr. Rose Ozaeta sa kanyang updates on health pati na sa numero ng mga vaccinated Batanguenos.

Muli po tayong nanawagan sa mga kinauukulan na seryosohin po natin ang arawang pag-post ng Covid-10 data o updates.

Mahalaga po ito sa lahat ng Batangueño o saan mang dako ng Pilipinas.

Pababa na ang mga kaso ngayon ng Covid ngunit mananatili ang lalawigan sa Alert Level 3 hanggang Pebrero 15, 2022.

Maliit lang po itong kahilingan ng ating mga kababayan ngunit mahalaga at importante para sa ating lahat.

Email ismaelamigo@yahoo.com


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.