Tumbas Manipis
Tumbas Manipis

Mga Pesteng Tala ng Aking Letseng Pagsinta

May 7, 2021, 6:43 AM
John A. Bello

John A. Bello

Writer/Columnist

Heto ang aking iniingatang Mga Pesteng Tala ng Aking Letseng Pagsinta simula ng taong 2021 na kung papalarin ay malamang mag-morph na isang self-published book isang araw na medyo maaliwalas na ang paligid sa salot ng Covid.

Sa ngayon ay ibig ko munang ipasilip at ipabasa ang mga ganitong kakaiba’t kakatwang ilang mga linya – mga ligwak ng damdamin at tilamsik ng mapaglarong diwa - para sa mga mambabasa ng aking Tumbas Manipis kolum.

Random and select pickings lang ito sa aking mga tala kaya kayo na ang bahala.

Endure, este, enjoy reading.

 



GENTLE REMINDER


As Covid pandemic keeps up, remove the negativities in the New Year. Keep close - but not real close - to the positive people.


 



LAGLAG NA BATHALA


Grabe, pati ang US Congress naglockdown hindi dahil sa kasagsagan ng Covid19 kundi dahil sa Trump mob na dumagsa sa US Congress at ayaw tanggapin ang resulta ng halalan na nanalo na si Joe Biden at natalo si Donald Trump.

Kung pati ang integridad ng kanilang eleksiyon ay ayaw nang tanggapin at igalang ng mga tagasuporta ni Trump, at si Trump ay ginagatungan pa silang magprotesta at mag-alsa, kung ganun ang Amerika ay malamang isa nang basag na imperyo ng demokrasya at sa mata ng madla sa buong mundo ay isa nang laglag na bathala.

 



IDOL NIYA SI TRUMP


Tapos na ang kahibangan ni Trump at ng kanyang mga taga-suporta at sinirtipikahan na ng US Congress ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang pangulo at pangalawang pangulo ng Amerika.

Pero iyong kaibigan ko buong paniwala pa rin na dinaya sa halalan si Trump na pinagkaisahan daw ng media at mga bilyonaryong tagasuporta ng Democratic Party at patunay daw yung pagdumog sa US Capitol ng libo libong tagasuporta ni Trump.

Siguro kung isang expat lang itong kaibigan ko ay nagdeklara na rin at nakisigaw doon ng rebolusyon sa Amerika para sa kanyang idolong si Trump.

Ang daming nabubulagan sa pasista at populistang lider na gaya ni Trump at dito sa Pinas na gaya ni Duterte na tunay ika at kakaibang lider na ang estilo ng pamamahala ay patok sa masa at para sa masa kahit na sinasagasaan at napapatay gaya sa sablay na pekeng war on drugs at wala sa hugis na pagtugon sa Covid-19.

Pastilan, itong bespren ko.


 


PINAKA-EPEKTIB NA VACCINE


Pinagkakaguluhan talaga ngayon ang mga vaccine sa Covid-19: Pfizer, Astrazeneca, Moderna, Novavac, Sinovac.

Pero may matagal na raw palang pinaka-epektib na vaccine sa Pinas: Kickvac.


 


MASISIPAG MAGMAMAHAL


Lunes, at pumi-February pa mandin ka. Dadami na naman ang masisipag magmahal ngayon na pati naman mahal ng iba ay mamahalin din nila.

Ang rurupok ng mga hayuf.



 



NOYPI DOMINATION SA SOCIAL MEDIA


Heto kumbakit malapit nang sakupin ng Noypi bilang mga virtual avatar ang mundo ng social media:

Sa latest 2021 Digital report ng We Are Social, ang Noypi umano ang numero uno sa paggamit ng social media na lumulustay ng 4 na oras at 15 minutos araw-araw.

Ayon naman sa ulat ng OnBuy.com, aabot ng 4,252 araw o 102,054 oras umano ang ginugugol sa buong buhay ng Noypi sa social media.

Iyan ay katumbas lang naman ng mahigit 11 taon sa kanyang kabuuang buhay ang nawawala o napepeste sa kapipesbuk, twitter, instagram, at messenger.

Kung babalik naman tayo sa lapis at papel noong panahong simple lang ang kahayupan ay marahil marami ang pipiliin na mabulok na lang sa mundo ng makabagong kahayupan sa social media.



 


CHARAUGHTISM ON FRIDAY


When all you can do one day

Is to write your petty pen name

And all you are left is the terrifying thought that it's all you have

And lately it's getting harder by the day to have

A manageable hard-on

In these trying times of the pandemic

That makes futile all your efforts

Of building the world in your heart

A laughable enterprise.

 
 


MGA KAPENG INAALOK


Kumbakit may mga kape na inaalok sa akin na ano, pampatagal daw; pampatigas pa raw ng, ano, tuhod. Tas, heto, may pic pa talaga ng nahigop na kaakit-akit at nanunuksong dilag.

Samantalang kape lang, kahit barakong kape lang talaga ay tuksong-tukso na ako, at heto, may nanunukso pang hayup yan.


 



TANONG NG AMERICANIZED GIRLFRIEND


Yano daw yung kanyang Americanized girlfriend na kagyat siyang tinatanong “Do you dress to the right or to the left?”

Na nang maunawaan daw niya ang ibig sabihon ay pagkaraan pa ng tatlong araw at tunay na nagising ang kanyang mga kasu-kasuan.


 

PAG KAPE ANG KAPELING


Iba ang feeling pag kape ang kapeling.

Sa mga sandali ng alinlangan, kape ang katiyakan.

Mailap ang pag-asa sa mga di nagkakape sa umaga.

Pag nagkakape ka, kahit ka tanga, feeling mo hindi na.

Kung nagkakape ka, parang di halata ang gagawin mong pagkakasala.

Kahit ano pa, dahil sa kape, para kang may bisa at silbi.

Kaya patuloy ang inog ng mundo na may pagsinta dahil nagkakape ka.

At kung anuman sa panahon ng pandemya, wari'y may suwabeng immunity ang letseng nagkakape.

Kape, bes?


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.