iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Malaking agwat ng datos sa Covid pinalagan ng mga Lipeño

Mar 10, 2022, 12:44 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Sino nga naman ang hindi magrereklamo sa sobrang laki ng agwat ng bilang ng mga bagong kaso ng Covid noong nakalipas na Feb 26, 2022 sa report ng provincial health office kumpara sa talaan ng city health office ng lungsod Lipa?

Paano nga naman kasi, sobra ang layo ng report ng PHO maliban pa sa lubhang nakakabahala ito at counter-productive sa negosyo sabi ni Mayor Eric Africa sa sablay na report ukol dito.

Naganap ang hindi magkatugmang Covid cases report ng dalawang local governmenrtunit nitong Sabado, 26 Feb 2022, kung saan inulat ng PHO sa buong lalawigan na umabot sa nakababahalang bilang na 206 ang mga bagong kaso ng Lipa City sa Covid-19 sa naturang araw.

Subalit ang sa katotohanan nito ay nagtala lamang ang lungsod Lipa ng tatlong bagong kaso ng Covid sa noong Sabado (26 Feb 2022).

“Sobrang nakakabigla. Kung wala kang access sa official Facebook page ng Lipa at doon ka lang nakatingin sa Facebook page ng Kapitolyo tiyak hihimatayin ka sa dami ng kaso namin sa Lipa,” wika ng isang taga-city hall na ayaw pabanggit ng pangalan.
“Para sa lungsod, mahalaga ang tamang pag-uulat dahil lahat maaapektuhan ang mga nag-nenegosyo na gaya ng mga kainan, resorts, at iba pa, dahil iisipin nilang umiwas muna sa Lipa dahil sobrang dami ang mga kaso nito sa Covid,” aniya pa.

Magugunitang noong nakalipas na buwan ay nagbigay paglinaw din ang lungsod dahil may mga kumalat na balitang bumaba na ang Alert Level 3 sa Alert Level 2 ang buong lalawigan ng Batangas maliban sa lungsod ng Lipa.

Dahil dito agad na nagbigay paglilinaw si Mayor Eric na walang katotohan ang kumakalat na balita sa social media dahil aniya, ang Lipa kabilang sa pagbaba ng lalawigan sa Alert Level 2.

Narito ang official report ng PHO noong araw na yaon (Sabado) para sa buong lalawigan ng Batangas:

Batangas City - 12

Lipa City - 206

Sto. Tomas City - 28

Balete - 2

Bauan - 1

Malvar - 1

Rosario - 1

San Jose - 2

San Juan - 2

San Pascual – 1

Ang “Source of Data” nito ay ang Batangas PDOHO (Provincial Department of Health Office) at ninumbrahan din ng PESU Batangas (Provincial Epidimiology Surveilance Unit)

Ang Batangas Province ay nagtala ng total confirmed cases ng Covid na 82,724 simula noong outbreak buwan ng Marso taon 2020.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.