iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Kwentong 'Crown Of Thorns'

Mar 31, 2022, 1:12 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Pabor ang inyong lingkod sa pagkilos na are ng City Environment Office (CENRO) ng Batangas City.

Ito ay ang operation alis-walis sa mga mapanirang crown-of-thorns starfish (COTs) sa area ng barangay Pagkilatan at Ilijan sa baybayin ng Batangas City at sa San Agustin Kanluran at San Agapito sa Isla Verde. Kung ika’y matusok ng COTs, malamang na ika’y mapa-ihi’t mapaluha sa sobrang sakit.

Dalawang araw ang ginawang alis-walis sa mapanirang COTs na kumakain ng mga dulong sanga ng corals hanggang sa tuluyan itong mamatay.

Ito ay isinagawa noong Linggo at Lunes (March 21-22). Ngunit sa ganang akin lamang po, sana ay maging all-year-round po ang ganitong gawain.

Ito ay kontribusyon ng lungsod sa celebration ng World Water Day 2022 na ginanap sa pakikipagtulungan ng Malampaya Foundation, CDRRMO, Philippine Coast Guard, Batangas Divers Association, Bantay Dagat, Baraca Dive Camp, Councilor Gery Dela Roca, at Playa Montaṅa.

Umabot sa 1,500 ang bilang ng mga naani nilang COTs sa naturang mga lugar.

Katunayan, hindi lamang sa parte ng Batangas City madami ang COTs na are kundi sa lahat ng lugar ng Batangas Province na nakalawit sa Verde Passage. Ganun din sa paligid ng Mabini town na kung saan naroon ang mga sikat na dive spots at sari-saring resorts. Anilao ang pinakapamosong puntahan sa Mabini ng mga taga-Maynila at mga karatig lugar.

Sang-ayon po tayo sa pagwalis ng COTs hindi sa ano pa mang rason kundi dahil na rin sa naranasan ng aking dalagang anak na nadisgrasyang makaapak ng isa sa mga nagkalat na COTs na ito.

Sa dami ng mala-karayom na kulay itim na mga tumusok sa kanyang kanang paa, ay nagmukhang soriso ito. At sa halip na mag-enjoy sila sa kanilang bakasyon kasama ang dati niyang mga ka-klase at BFF sa UST, ay nabahiran ito ng pangamba kortesiya ng COTs.

May nabanggit din daw ang mga caretaker ng resort na tinuluyan nila sa Anilao na may isa ring bakasyonistang pulis ang nadali ng COTs. Dahil hindi kinaya ang sakit, nagpahatid sya sa malapit na ospital kung saan tinurukan sya ng antibiotic.

Pagkauwi ng aking anak, hindi namin kinayang tingnan ng kanyang namamagang paa kung kaya’t ipina-checkup agad namin ito at binigyan sya ng antibiotic para sa -isang linggo.

Matapos yon, saka lamang dahan-dahan itong umimpis at nakuha pa niya ang ibang tinik na nakabaon.

Maging babala po sana ito sa lahat ng mga mag-suswimming sa bandang Anilao o kahit saan man diyan sa may laylayan ng Verde Passage na nasa pagitan ng Mindoro at Batangas.

Mangyari ay magsuot kayo ng sapatos o sapin sa paa na pang-swimming bago lumusong sa dagat.

Malamang na ang naani ng mga taga-Batangas City ay 1 porsyento pa lamang yan. Mabilis ang pagdami ng mga COTs na kamag-anak ng sea urchin.

Email ismaelamigo@yahoo.com .


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.