iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Kapitolyo hataw sa pamimigay ng mga laptop, educational assistance

Feb 24, 2022, 1:04 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

BATANGAS CITY– Hindi lahat ng local government units sa buong Pilipinas ay ginagawa ang kayang gawin ng Batangas na pangalawa sa Cebu ay pinakamayayamang probinsya sa bansa.

Ito ay ang walang humpay na pamahahagi ng mga tablet, laptop, educational assistance, honorarium sa mga volunteer worker, at iba pang uri ng ayuda sa gitna ng pandemya.

Maaaring dahil na rin ito sa nalalapit na halalan subalit ano man ang dahilan ang importante ay nakatatanggap ng tulong ang mga kinauukulang mga mamamayan ng lalawigan.

Nitong Huwebes lamang, dumaloy na nga muli ang pamimigay ng mga laptop, na magagamit ng mga guro at estudyante.

Sa bayan ng Rosario, pinangunahan ng Provincial School School Board ang pamamahagi ng may 210 laptops para sa mga elementary at secondary public school teachers ng naturang bayan.

Ipinagpatuloy rin ng Scholarship Division ng Office of the Provincial Governor ang pagkakaloob ng educational assistance sa mga iskolar.

Habang nagyayari ito, ginampanan din ng ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pagbibigay ng tulong sa mga barangay, at honorarium para sa mga magigiting na katuwang ng Kapitolyo sa serbisyo publiko, na boluntaryong mga naglilingkod, kabilang ang mga Child Development Workers, Parent Leaders, Persons with Disability Presidents, at Senior Citizens.

Nawa’y ipagpatuloy pa ang pakinabang ng mga tao sa dapat lamang nilang pakinabangan may pandemya/election man o wala.

Email ismaelamigo@yahoo.com .


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.