iTalk by Ismael Amigo
iTalk

‘Kalye Survey’ sa Batangas si BBM ang nanguna

Nov 11, 2021, 12:14 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

NASAKSIHAN natin mismo ang mga nagsasagawa ng Kalye Survey na kasalukuyang nilulunsad ng vloggers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para pulsuhan ang madla sa kanilang pinapaboran sa mga tumatakbong pagka-presidente.

Pero dahil nangangamba akong mabilasa ang binili kong isda nilisan ko na ang merkado habang nagkakagulo ang naturang mga vloggers at mga tindero’t tindera sa loob mismo ng palengke o pamilihang bayan (lungsod na ngayon) ng Sto. Tomas.

Kinalimutan ko na ito ngunit isang araw ang misis ko ang siyang pumukaw ng aking atensyon tungkol sa aking naikwentong enkwentro sa mga vloggers kamakailan na nangangalap ng real-time, real-people survey.

Hindi gaya nina Manny Pacquiao at Isko Moreno, si Bongbong Marcos ay hindi pa tumuntong sa lalawigan ng Batangas upang mangampanya na kagaya ng dalawang presidential candidate.

Ngunit ayon sa Kalye Survey ay lumabas na mas pabor ang nakakararaming Batangueño sa kandidatura ni BBM sa pangkapangulo.

Batay sa pinakasariwang resulta ng Kalye Survey sa Batangas, nanguna si BBM habang sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao, na kapwa umikot na sa buong lalawigan ng Batangas kalagitnaan ng Oktubre, ay lumabas na pangalawa at pang-apat lamang.

Narito ang kumpletong resulta: (1) Bongbong Marcos, 1,960 (53%); (2) Isko Moreno, 537 (15%); (3) Leni Robredo, 450 (12%); (4) Manny Pacquiao, 184 (5%); (5) Ping Lacson, 138 (4%); (6) Sen. Bato dela Rosa, 29 (1%).

Ang Kalye Survey ay pinakabagong istilo ng pangangalap ng pulso ng madla na sumisikat ngayon sa social media gamit ang real-time, real-people survey.

Ngunit ‘ika nga, kung aling puno ang maraming bunga ay siyang binabato, ay ganyang ang nangyayari ngayon kay BBM.

At dahil mistulang desperado na rin ang grupong Pinklawan, minaniobra nilang sampahan ng disqualification case si BBM.

Ayon sa grupong pinklawan dapat daw kanselahin ng Comelec ang COC ni Marcos dahil raw ito “eligible to run for public office since the Quezon City Regional Trial Court had convicted him in 1995 for tax evasion.”

Ngunit isang abogadong professor ng Ateneo na si Alberto Agra ang pinasubalian ang hakbang ng mga pinklawan dahil aniya “isang basehan para hindi ka puwedeng manungkulan ay kung ikaw ay sentensiyado sa isang krimen (One of the basis that will prevent you from to hold public office is that you’ve been sentenced to) more than 18 months or crime involving moral turpitude.”

Sinabi pa nito na ang disqualification case laban kay Marcos “lacks a crucial component” dahil aniya ang Court of Appeals ay binaba ang kanyang kaso pati na ang penalty sa tax evasion case at si Marcos ay pinagbayad lamang ng penalty.

“Hindi siya (He was not) sentenced to imprisonment,” pagdidiin pa ni Agra.

“Ang nangyari siya ay nahatulan pero ang kanyang parusa ay walang imprisonment (What happened was he was sentenced but his punishment does not carry imprisonment). Ang parusa niya ay fine lamang (His penalty was only a fine).”

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.