Wind Energy Project, itatayo sa Real, Quezon photo from Go Quezon
Quezon

Wind Energy Project, itatayo sa Real, Quezon

Sep 15, 2021, 7:12 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Inaasahang malaking tulong sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente ang 250-megawatt na Real Wind Energy Project sa bayan ng Real, Quezon.

REAL, Quezon – Nagsagawa na ng konsultasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng bayang ito at ilang kinatawan ng Real Wind Energy at Apercu Consultant, Inc. hinggil sa 250-megawatt (MW) wind energy project sa naturang lugar.

Sa nasabing pagpupulong na ginanap noong Setyembre 13, tinalakay ng grupong Real Wind Energy ang dalawang phase na bubuo sa nasabing proyekto.

Tinalakay din sa pagpupulong ang pagkakaroon ng Environmental Impact Assessment (EIA) para sa nasabing proyekto.

Ang unang phase ay mayroong 45 MW na nakalaan sa Barangay Kiloloron, Capalong at Tagumpay.

Ang ikalawang phase naman ay nakalaan sa Barangay Tignoa, Tagumpay, Tanuan, Malapad, Lubayat, Llavac, Bagong Silang at Maragondon na siya namang magbibigay ng 205 MW ng kuryente.

Tinatayang nasa 58 wind turbine generators ang itatayo sa 5,670 ektaryang lupa gagamitin para sa proyekto.

Dagdag pa ng grupo na ang komisyon, grid connection at konstruksyon na para sa Phase 1 ay inaasahang magsisimula sa 2023 , habang sa 2024 pa ang target para sa Phase 2.

Ayon pa sa kanila, ito ay ang proseso kung saan kinakailangang pag-aralan ang mga posibleng epekto ng Real Wind Energy project sa mga mamamayan, gayundin sa kapaligiran.

Tags: #OpinYonQuezonin, #RealQuezon, #windenergy, #RealWindEnergyProject


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.