Supermarket na nagtatapon ng dumi sa Pasig River system, ipinasara ng LLDA
Environment

Supermarket na nagtatapon ng dumi sa Pasig River system, ipinasara ng LLDA

Sep 21, 2021, 4:34 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Sa isinagawang survey at inspeksyon ng mga otoridad noong Enero 2021, natuklasan na ang isang supermarket sa Sta. Mesa, Manila ay direktang nagtatapon umano ito ng untreated wastewater sa public drainage patungo sa Estero de Valencia.

IPINASARA ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO) at Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang isang department store-supermarket sa Sta Mesa, Manila dahil umano sa pagtatapon ng dumi nito sa Pasig River system.

Ayon sa LLDA at PRCMO, isinilbi ang isang cease and desist notice sa hindi pinangalanang department store noong Agosto 25 dahil umano sa pago-operate nito simula noong 2012 nang walang Clearance and Discharge Permit mula sa LLDA.

Sa isinagawang survey at inspeksyon ng PRCMO noong Enero 2021, natuklasan na ang nabanggit na supermarket ay direktang nagtatapon umano ito ng untreated wastewater sa public drainage patungo sa Estero de Valencia.

Ang PRCMO at LLDA ay lumagda sa Memorandum of Cooperation noong Pebrero 7,2020 na nagtatalaga sa nauna na tukuyin ang pinanggagalingan ng water pollution sa pamamagitan ng regular inspection ng mga commercial at industrial establishments na bahagi ng Pasig River System na nasa ilalim ng Hurisdiksiyon ng LLDA.

Ang LLDA ay isa sa attached agencies ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pangunahing responsible para sa preserbasyon, development at sustainability ng Laguna de Bay at sa 21 major triburary rivers nito.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.