Sampaloc Lake, muling binuksan sa publiko
OpinYon Laguna

Sampaloc Lake, muling binuksan sa publiko

Oct 30, 2025, 5:48 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Matapos ang halos tatlong linggong pagpapahinga, muling nasilayan ng mga turista at lokal na bisita ang ganda ng Sampaloc Lake, ang pinakamalaki at pinakatanyag sa “Seven Lakes” ng San Pablo City, Laguna.

Sa isang abiso sa social media, sinabi ng San Pablo City Information Office ang “gentle reopening” ng lawa sa nitong nakaraang Biyernes, October 24.

Gayunpaman, may abiso ang pamahalaang lungsod ng San Pablo sa lahat ng mga darayo sa lawa upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan at kaayusan nito.

Para sa mga Negosyong Pang-Turismo:

  • Binibigyang pahintulot ang mga turismong may balidong permit na magbukas sa October 24.

  • Inaasahang susunod ang mga negosyo sa mga patakaran ng kalinisan at disiplina ang mga establisimiyento tulad ng kanina, café at souvenir shops.

Para sa mga Street Vendor:

  • Pansamantalang papayagan ang mga street vendor na makapagtinda simula October 24 hanggang November 16, habang isinasapinal pa ang Vendor Zoning Guidelines.

  • Kinakailangang magsumite ang mga samahan ng mga tindero ng opisyal na listahan ng mga kalahok upang masuri at maapruba ito ng City Tourism Office.
  • Inaasahang tutulong ang mga vendor sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at magandang imahe ng lawa bilang pangunahing destinasyong panturismo.

Para sa mga E-Bike Rental Operators:

  • Kinakailangang magpakita ng valid na business permit upang payagang makapag-operate. Layon ng naturang permit na masiguro ang kaligtasan ng publiko, maayos na regulasyon ng mga motorized vehicles, at kaayusan sa paggamit ng mga pampublikong daan at parke.

Paalala rin ng San Pablo CIO sa mga bibisita, tiyaking walang iiwanang basura sa gilid at sa mismong lawa.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #SampalocLake




We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.